NHK Broadcasting Center
Matatagpuan sa Jinnan, Shibuya, Tokyo ang NHK Broadcasting Center(NHK放送センター/NHK Hoso Senta). Sinimulan ang konstruksiyon nito noong huling bahagi ng 1964 matapos na tibagin sa lugar ang Olympic Village na ginamit noong 1964 Tokyo Olympics. Binuksan ito noong 1965. Ito ang punong himpilan at base ng operasyon ng pambansang pampublikong brodkaster ng Hapon, ang NHK. Matatagpuan dito ang mga studio at ang mga opisina, gayundin ang ilang mga tindahan at ang popular na Studiopark. Matatagpuan din sa complex ang NHK Hall. Nagsisilbi ding opisina ang NHK sa mga dayuhang brodkaster na may mga tanggapang pambalitaan sa Tokyo, gaya ng KBS ng Timog Korea, ABC ng Estados Unidos, CCTV ng Tsina, at ABC ng Australia.
Nakapaligid sa NHK Broadcasting Center ang ilang mga kompanyang nakakabit sa NHK.
NHK Studiopark
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang bahagi ng NHK Broadcasting Center na bukas sa publiko. Binuksan ito noong Marso 1995, kasabay ng pagdiriwang ng ika-70 anibersaryo ng NHK. Matatagpuan dito ang iba't ibang exhibit na may kinalaman sa NHK at sa mga programa nito. Maaari ding masilip ng publiko ang taping ng mga dula at mga talk show. Tuwing ala-1 ng hapon mula Lunes hanggang Sabado, maaaring mapanood ng publiko ang palabas na "Hello from Studiopark" na sumasahimpapawid ng live sa NHK - General TV. Maaari ding subukan ng mga bisita ang magbalita sa telebisyon dahil sa isang maliit na newsdesk na nakahandang ipagamit sa mga bisita. May tindahan din dito kung saan makakabili ng mga produktong may kinalaman sa NHK bilang souvenir. Narito din ang Restaurant Studio Coffee kung saan ang nakapangalan ang menu sa mga programa ng NHK. Popular na pasyalan ang Studiopark sa mga bata at sa mga turista. ¥200 (PHP90) ang bayad para sa matatanda at ¥150 (PHP70) para sa mga estudyanteng junior high school (may diskwento ang mga mas bata). Bukas ang Studiopark mula alas-10 ng umaga hanggang alas-5:30 ng hapon, araw-araw maliban lang sa ikatlong Lunes ng buwan.
NHK Hall
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang malaking bulwagang pantanghalan ang NHK Hall. Itinayo ito noong 1972 at naging tanghalan na ng Kohaku Uta Gassen mula noong 1973. May kapasidad ito para sa 3,746 tao. Dito din ginaganap ang taping ng Shounen Club sa NHK BS-2. Espesyal na katangian nito ang maaaring paglipat ng distansiya ng entablado at mga upuan. May kaparehas ding pasilidad sa NHK Osaka Center.
NHK Fureai Hall
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang bukas na bulwagan ng NHK sa publiko, araw-araw. Binuksan ito noong 22 Marso 2004 mula sa dating Everybody's Forum Tent. Sa unang palapag matatagpuan ang "open studio" at backstage. Sa ikalawang palapag matatagpuan ang control room. At sa ikatlong palapag matatagpuan ang NHK Archives kung saan libre itong nagagamit ng publiko. Mahahanap ang iskedyul ng mga palabas sa websayt ng NHK. Maaaring mapanood ang palabas sa ikalawang palapag mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Ngunit minsan, lihim ang oras ng mga rehearsal. Upang kumumpurmi sa Fire Protection Law, 285 lamanag ang kapasidad nito.
Mga Studio
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lahat ng kagamitan at aprato ng mga studio na pantelebisyon ay pang-High Definition.
NHK Television
[baguhin | baguhin ang wikitext]CT Studio
- 101 - Ito ang una at pinakamalawak na studio sa NHK Broadcasting Center. May kabuuang sukat ito na 1155 metro kwadrado.
- 102 - Dito nakabase and dating popular na programang pang-umaga na Studio 102.
- 103 - Okaasan to Issho
- 104 - TV Aerobics
- 105 - Dito ang taping ng mga dulang taiga.
- 106 - "
- 107 - Dito ang taping ng mga programang pang-eskwela.
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114 - WHAT'S ON JAPAN
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415 - Tensai Terebikun MAX
- 421
- 450 - Bukas na studio ito sa Studiopark.
- 510 - Naging tahanan ito ng NHK News mula 1968 hanggang 1989, nang ilipat ang NHK News sa kasalukuyang News Center.
- 511
- 512 - Today's Close-Up
CU Studio
- 202
- 206
- 207
- 213
- 226
- 555
- 556
- 557
- 558
- 617
CS studio
- 600 - Mga Ingles na balitaan at " Impormasyon ng Kaligtasan sa Ibayong-dagat" sa NHK World
NHK Radio Center
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 131 - Radio 1
- 132 - "
CR Studio
- 401 - Sunset Park (FM)
- 402 - Music Plaza (FM)
- 501
- 502
- 503
- 504
- 505 - Saturday Hot Request
- 506
- 509 - Sunday Jockeys
- 602
- 604
- 615 - NHK World Radio Japan
CD Studio
- 513
- 514
- 607
- 805
- 808
- 809 - 5.1 surround sound
- 812
NHK News Center
[baguhin | baguhin ang wikitext]Matatagpuan ang NHK News Center sa ikatlong palapag. Dito ang base ng operasyon ng NHK News para sa pambansa at pandaigdigang mga programa. Magkahiwalay ang mga news floor para sa NHK - General TV, NHK World, at NHK BS-1. Nakahiwalay din ang para sa balitang pampalakasan. Ginagamit ang system 5300 para sa mabilisang paggawa ng mga manuskrip sa buong news center. Nakumpleto ang news center noong 25 Marso 1989. Nagsimula ang operasyon nito noong 6 Pebrero 1989.
Mayo 3 studio o news floor ang NHK News Center:
- NC-A - Dito nakabase ang NHK News 7, News Watch 9, Sports & News, Sunday Sports, atbp. Sa bandang kanan, matatagpuan ang anchor desk at upuan para sa kada oras na balitaan, kasama na ang set ng News Watch 9 at Sunday Sport. Sa bandang kaliwa, matatagpuan ang make-up stand.
- NC-B - Dito nakabase ang Good Morning Japan at "Ogenki Desu Ka? Nippon Rettou". Kapag may coverage ng pambansa at lokal na halalan, naaalis ang divider sa pagitan ng NC-A at NC-B upang maging mas malawak ang lugar na pambalitaan.
- NC-C - Dito nakabase ang lokal na balitaan para sa rehiyon ng Kanto at Tokyo.
- BS-NC - Dito nakabase ang lahat ng balitaan ng NHK BS-1.
Sa panahon ng sakuna, ginagamit ang NC-A dahil nakaantabay 24 oras ang news desk dito. Kung kinakailangan, inaalis din ang divider upang magamit ang NC-B. Depende sa balita, sabay-sabay na napapanood at napapakinggan sa lahat ng channel ng NHK sa radyo at telebisyon ang balitaan.
NHK Business Center
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lokasyon ng mga NHK Business Center para sa balitang pang-ekonomiya at pang-kalakalan
- Ikebukuro
- Ueno
- Shinjuku
- Kanlurang Tokyo
Reporting Room:
- Tama
Paano mararating ang NHK Broadcasting Center
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinakapopular na paraan ang pagsakay sa JR Yamanote Line.
Ruta 1: Lumabas sa North exit ng JR Shibuya Station, at lakarin sandali ang kalye ng Dogen Zaka. Kumanan sa unang kanto at diretsuhin lamang ang Koen Street hanggang sa kanto ng Jinnan. Maaari nang makita ang main entrance ng NHK. Labinlimang minuto ang lakarin.
Ruta 2: Lumabas sa South o West exit ng JR Harajuku station at maglakad pa-kanluran patungo sa direksiyon ng Yoyogi subway station. Pagdating sa kanto, unang makikita ang NHK Hall. Kumaliwa sa kantong iyon at makikita na ang main entrance ng NHK. Sampung minuto ang lakarin.
Ruta 3: Humimpil sa Chiyoda Line Meiji Jingumae subway station. Maglakad ng 10 minuto.
Maari ding sumakay ng isang shuttle bus sa ibaba ng JR Shibuya Station na diretso NHK. ¥150 (PHP70) ang pamasahe at 10 minuto ang biyahe.