Emperador Go-Sai
May dalawang pangalan si Nagahito bilang Emperador. Ito ay Emperador Go-Sai, minsan naman Emperador Go-Saiin. Maituturing ika-111 na Emperador ng Hapon si Nagahito ng maluklok siya sa Trono ng Krisantemo. Namuno siya noong ika-5 ng Enero ng taong 1655 hanggang ika-5 ng Marso ng taong 1663, o umabot lang ng walong taon. Bago siya naluklok ang sa trono ang tawag sa kanya ay si Prinsipe Hide (Hide-no-miya).
Ipinanganak siya noong bagong taon ng 1638. Siya ang ikawalong anak ni Masahito o mas kilala bilang Emperador Go-Mizunoo. Naging asawa niya si Prinsesa Akiko isang Lakambini ng Korte. Maliban kay Akiko meron pa siyang pitong asawa at dito naging ama siya ng 27 na mga anak.
Pero ni isa man sa mga anak niya ay hindi nagmana ng Trono ng Krisantemo. Dahil para kay Nagahito, umupo lamang siya pansamantala nung biglaang mamatay ang kanyang kuya na si Tsuguhito o mas kilala bilang Emperador Go-Koumyou. Inapon ng kanyang kuyang si Emperador Go-Koumyou ang kanyang nakakabatang kapatid na si Prinsipe Satohito bilang susunod sa kanya sa Trono ng Krisantemo. Dahil bata pa si Prinsipe Satohito (na naging si Emperador Reigen), si Nagahito muna ang umupo hanggang hindi pa tumutungtong sa tamang gulang si Satohito.
Dahil dito pinangalanan siyang Emperador Go-Sai. Ang salitang ‘go’ sa unang pangalan ng mga Emperador ng Hapon ay nagsasaad na ‘Panghuli’ o ‘Ikalawa’ dahil meron ng unang Emperador na ganun din ang ginamit na pangalan. Kaya ang pangalang Emperador Go-Sai sa atin ay masasabing Panghuling Emperador Sai o Ikalawang Emperador Sai. Pwede ding Emperador Sai II.
Ang bansag na Sai ay galing kay Prinsipe Ootomo o mas kilala bilang Emperador Junna sa Panahon ng Heian. Namuno itong si Ootomo sa Trono ng Krisantemo mula taong 833 hanggang taong 840. Katulad din ang pinagdaanan ni Nagahito kay Ootomo kung kaya’t nakuha niya ang bansag na Go-Sai. Kung sa tumpak na pagsasalin ay dapat Emperador Junna II. Kung bakit Sai katawagan ito ng lugar kung saan nanggaling si Ootomo.
Ang Sai ay galing sa salitang Sain-no-Mikado o Emperor na Nagmula sa Kanlurang Palasyo. Kaya mas kilala din si Nagahito na Emperador Go-Saiin. Pero noong panahon ng Meiji, ang titulo niyang Go-Sain ay naging Go-Sai na lamang.
Noong nasa Trono ng Krisantemo si Nagahito, Nasunog ang Malaking Dambana sa Ise, Nasunog din ang Palasyo ng Osaka, ganun din ang Palasyo ng Imperyo sa Kyoto. Naglagablab din ang Edo (ang lumang pangalan ng Tokyo). Maliban pa doon nagkaroon ng mga malalakas na paglindol at sunod-sunod na pagbaha na ikinasalanta ng maraming mga kabuhayan at nagbuwis ng napakaraming buhay.
Dahil sa sunod-sunod na mga kamalasan na ito. Sinisi ng sambayanang Hapones si Emperador Go-Saiin at sinabing walang basbas ng langit ang kanyang panunungkulan dahil nagkukulang ang kanyang mga personal na asal, kilos at gawi.
Noong sampung taong gulang na ang kanyang nakababatang kapatid na si Satohito ay ipinaubaya na niya rito ang Trono ng Krisantemo noong taong 1663. At mula noon ay tuluyan siyang nagretiro at hindi na muling humawak ng kapangyarihan sa Korte.
Pinagkaabalahan na lamang niya ang pag-aaral ng mga makalumang panitikan at pagsusulat ng mga aklat. Naging magaling siya sa pagsusulat ng mga tulang waka. At dahil dito nabuo niya ang Suinichishuu (Koleksiyon ng Tubig at Araw).
Namayapa si Nagahito noong ika-22 ng Marso ng taong 1685.
Sa ngayong panahon sa Dambana ng Kitano, isang tabla sa trangkahan na may katagang ‘Tenmangu’ ang nakasabit. Ito ay sulat kamay pa ni Nagahito. Isang alaala na kanyang sinulat 400 taon na ang nakakaraan.
Ang mga nengo sa panahon ni Emperador Go-Sai ay: