Emperador Reigen
Si Satohito ang ika-112 na Emperador ng Hapon na umupo sa Trono ng Krisantemo. Umupo siya noong siya’y siyam na taong gulang pa lang noong ika-5 ng Marso ng taong 1663 hanggang noong ikadalawa ng Mayo ng taong 1687. Umabot siya ng 24 na taon sa Trono ng Krisantemo. Kinilala si Satohito bilang Emperador Reigen at bago siya maluklok sa Trono mas kilala siya bilang Prinsipe Ate (Ate-no-miya).
Siya ay ang ika-16 na anak ng kanyang amang si Masahito o mas kilala bilang Emperador Go-Mizunoo. Ang kanyang ina ay si Lakambining Nag-aantay Kuniko na anak ni Sonomotooto, isang Gintang Ministro (Nadaijin).
Nabuhay siya noong ika-9 ng Hulyo ng taong 1654. At sa buong buhay niya nagkaroon siya ng 32 anak mula sa 15 babae. Ang kanyang naging asawa Emperatris Fusako Takatsukasa na naging Balong Emperatris Shin-jyousai at isa ang kanilang naging anak.
Kay Lakambining Nag-aantay Fusako Boujou at Lakambining Nag-aantay Saneoki Ogura ay pawang tig-iisang anak na babae at lalake ang kanyang naging supling. Subalit kay Lakambining Nag-aantay Muneko Matsuki halos pitong anak kanyang sinupling. Isa dito si Asahito na naging si Emperador Higashiyama. Si Muneko ay naging si Balong Emperatris Keihou.
Ang mga naging asawa (at supling pa niya) ay sina: Fukuko Atago (2), Youkou Gojyou (3); Hiroko Higashikuze (2), Tsuneko Gojyou (4), Itsuko Irie (2); Atsuko Matsumuro (3); Nakako Matsumuro (1), Anak na babae ni Sadaatsu [di naitala ang pangalan] (2), at tig-iisa sa mga anak na babae nina Tokinaga Chikouin, Yasusada Kurahashi at Hata na pawang di naitala ang mga pangalan.
Noong taong 1654 naging Tagapagmana siya ng Trono ng mamatay ang kanyang nakakatandang kapatid na si Tsuguhito o Emperador Go-Koumyou (Go-Kōmyō). Pero kapapanganak lamang sa kanya noon kaya’t ang umupo sa trono ay kanyang kuyang si Nagahito o mas kilala bilang Emperador Gosai (minsan Gosaiin). Noong siyam na taong gulang na siya ipinaubaya na sa kanya ni Nagahito ang Trono ng Krisantemo
Noong taong 1668, nagkaroon ng napakalaking sunog sa Edo na umabot sa 45 araw. Pagkaraan ng limang taon (1673) ay nasunog din ang kanyang kapitolyo sa Kyoto. Noong taong 1687 ay ipinaupabaya niya ang Trono ng Krisantemo sa kanyang anak na si Asahito o Emperador Higashiyama.
Noong 1687 o 26 na taong iwanan niya ang Trono ng Krisantemo ay pumasok siya sa isang monasteryo. At sa loob sa monasteryo pinalitan niya ang kanyang pangalan bilang Sojou.
Namatay siya noong ika-24 ng Septyembre ng taong 1732. Siya ay 78 na taong gulang. Binubuo ang kanyang pangalan noong kapanahunang nakaluklok na si Mutsuhito o Emperador Meiji. Kinilala siya bilang Emperador Reigen. Ang kanyang pangalan ng panunungkulan ay kinuha mula sa huling kanji ng dalawang naunang Emperador: Sina Emperador Kourei at Emperador Kougen.
Ang mga nengo sa panahon ni Satohito ay