Nagarjuna
Nāgārjuna | |
---|---|
Kapanganakan | c. 150 CE |
Kamatayan | c. 250 CE India |
Trabaho | Budistang guro, monghe, at pilosopo |
Kilala sa | Pinaniniwalaang nagtatag ng paaralang Madhyamaka ng Budismong Mahāyāna |
Si Nāgārjuna (c. 150 – c. 250 CE; Tsinong pinapayak: 龙树; Tsinong tradisyonal: 龍樹; pinyin: Lóngshù; Tibetano: མགོན་པོ་ཀླུ་སྒྲུབ་, Wylie: mGon po Klu sgrub) ay isang Indiyanong mangingisip, iskolar-santo at pilosopong Budistang Mahayana. Karaniwan siyang itinatagurian bilang isa sa pinakamahalagang mga pilosopong Budista.[2] Dagdag pa, ayon kay Jan Westerhoff, siya rin ay "isa sa pinakadakilang mga mangingisip sa kasaysayan ng pilosopiyang Asyano."[3]
Karaniwang itinatagurian si Nāgārjuna bilang ang tagapagtatag ng paaralang madhyamaka (sentrismo, middle-way) ng pilosopiyang Budista at isang tagapagtaguyod ng kilusang Mahāyāna.[2][4] Ang kanyang Mūlamadhyamakakārikā (Root Verses on Madhyamaka, MMK) ay ang pinakamahalagang teksto sa pilosopiyang madhyamaka ng kawalan. Nagbigay-inspirasyon ang MMK sa maraming mga komentaryo sa Sanskrito, Tsino, Tibetano, Koreano at Hapones at patuloy pa ring pinag-aaralan ngayon.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pinagsipian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga pinagkunan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Garfield, Jay L. (1995), The Fundamental Wisdom of the Middle Way. Oxford: Oxford University Press.
- Walser, Joseph (2005), Nāgārjuna in Context: Mahāyāna Buddhism and Early Indian Culture. New York: Columbia University Press.
- Westerhoff, Jan (2009), Nāgārjuna's Madhyamaka. A Philosophical Introduction. Oxford: Oxford University Press.