Pumunta sa nilalaman

Lason

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nakakalason)
Ang karaniwang simbolo pang-toksin ng Unyong Europeo, na tinutukoy ng Directive 67/548/EEC. Matagal na naging karaniwang sagisag para sa lason ang bungo at butong krus.

Sa konteksto ng biyolohiya, ang mga lason ay mga sustansya (substances) na nagdudulot ng pagkabalisa sa mga organismo, [1] kadalasang sa pamamagitan ng reaksiyong kimikal o ibang aktibidad sa sukatang molekula, kapag ang sapat na dami ay nasipsip o nagamit ng isang organismo. Kadalasang pinag-iiba ng medisina (partikular ang medisinang beterinaryo) ang lason mula sa toksin, at mula sa kamandag. Ang mga toksin ay mga lason na ginagawa sa pamamagitan ng ilang tungkuling pangbiyolohiya sa kalikasan, at ang kamandag ay kadalasang binibigyan kahulugan bilang mga toksin na tinuturok sa pamamagitan ng tuklaw, kagat o tusok upang mangyari ang kanilang epekto, habang ang ibang mga lason ay pangkalahatang binibigyan kahulagan bilang mga sustansya na sinisipsip sa pamamagitan ng epithelial linings katulad ng balat o bituka (gut).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. poison sa Dorland's Medical Dictionary (sa Ingles)

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.