Pumunta sa nilalaman

Aprodisyak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nakapagpapalibog)

Ang aprodisyak ay isang pagkain o inumin na nagpapataas ng pagnanasang sekswal. Ito ay mula sa salitang Griyego na aphrodisiakon, na tumutukoy kay Aphrodite, ang diyosa ng pag-ibig ng mga Griyego. Sa ating kasaysayan, maraming pagkain, inumin, at mga gawi ang may reputasyon na nakakadagdag ng gana at sarap sa pagtatalik.

Subalit, mula sa historical at makaagham na pananaw, ang mga hinihinalang resulta ng mga aphrodisiac ay maaaring karaniwang nagmula lamang sa mga paniniwala ng mga gumagamit nito na ang mga ito ay epektibo. Maraming inaakalang pagkain at inumin na aphrodisiac, ngunit walang matibay na ebidensyang klinikal na magpapatunay nito.

Non-Aphrodisiacs

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang ilang Psychoactive Substance tulad ng alkohol, Cannabis Methaqualone, GHB at MDMA ay maaaring magpataas ng libido at pagnanasa. Subalit,ang mga gamot na ito ay hindi aphrodisiacs sa striktong kahulugan, dahil di naman sila regular na nagbubunga ng pagtaas ng libido bilang pangunahing resulta, at sa halip ay humahadlang pa ang mga ito. Gayunpaman, ang mga gamot na ito ay minsang ginagamit upang tumaas ang pagtatamasa sa pakikipagtalik at para mabawasan ang pagiging mahiyain pagdating sa pagtatalik. Ang mga gamot laban sa Anti-Erectile Dysfunction tulad ng Viagra at Levitra ay hindi itinuturing na aphrodisiac dahilan sa di naman sila direktang nakakapagtaas ng libido bagamat ang kakayahan ng matagal na erection ay maaaring magpataas ng lebel ng pagnanasa ng mga gumagamit nito.[1]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. http://en.wikipedia.org/wiki/Aphrodisiac