Pumunta sa nilalaman

Pagsusulat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Nakasulat na komunikasyon)
Ilustrasyon ng isang eskriba na nagsusulat.

Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsulat). Iniiba ito sa larawang-guhit, katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng magnetikong teyp na awdyo.

Ang pagsusulat ay maaaring nagsimula bilang isang kinahinatnan ng pagpapalaganap na pampolitika ng sinaunang mga kultura, na nangailangan ng maaasahang pamamaraan ng pagpapakalat ng kabatiran o impormasyon, pagpapanatili ng mga kuwentang pampananalapi, pagpapanatili ng mga pangkasaysayang mga pagtatala, at kahalintulad na mga gawain. Noong bandang ika-4 na milenyo BK, ang kasalimuotan ng kalakalan at pangangasiwa sa Mesopotamia ay humigit pa at lumampas sa memorya o alaala ng tao, at ang pagsusulat ay naging isang mas maaasahan o masasalalayang paraan ng pagtatala o pagrerekord at paghaharap ng mga transaksiyon na nasa isang anyong permanente o pamalagian.[1] Sa kapwa Sinaunang Ehipto at Mesoamerika, ang pagsusulat ay maaaring nagsimula at umunlad sa pamamagitan ng mga pangkalendaryong pagbibilang o pagtutuos (kalendriko) at isang pangangailangang pampolitika para sa pagtatala ng mga kaganapang pangkasaysayan at pangkapaligiran. Ang pinakamatandang nalalamang paggamit ng pagsusulat sa Tsina ay ang sa dibinasyon o panghuhula sa loob ng royal na korte.

Tingnan din

Mga sanggunian

  1. Robinson, 2003, p. 36