Pumunta sa nilalaman

Bulaklak

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Namumulaklak)
Iba't ibang uri ng bulaklak na ipinagbibili
Iba't ibang uri ng bulaklak sa Dangwa
Mga dilaw na kumpol ng bulaklak
Mga dilaw na kumpol ng bulaklak

Ang bulaklak ang anumang bahagi ng halaman na may talulot (halamang namumulaklak) tulad ng gumamela, sampagita, sampaga, rosas, at magnolya.[1] Ang bulaklak ay ginagamit ng mga halaman upang makapagparami.

Mga taal na bulaklak ng Pilipinas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Waling-waling (Vanda sanderiana)

Ang waling-waling ay isang taal[a] na dapo ng Mindanao sa lalawigan ng Davao, Cotabato, at Zamboanga kung saan ito ay matatagpuang nakatangan sa mga dipterocarp na mga puno. Namumukadkad ito ng isang ulit kada taon mula Hulyo hanggang Oktubre. Ito ay tinaguriang "Reyna ng mga Pilipinong bulaklak" at itinuturing na diwata ng mga Bagobo.

  • Summer Hoya (Hoya obscura)

Ito ay isang taal na hoya na matatagpuan sa timog na ibayo ng malawak na pulong Luzon. Ito ay may di-gaano kalaking mga maugat na dahon na nagiging matingkad na itim-lunti kapag lumago sa lilim na nagiging matingkad na pula kapag lumago sa sinag ng araw. Ang mga bulaklak ay may kaaya-ayang halimuyak na lalong humahalina tuwing gabi.

  • Tayabak (Strongylodon macroborys)

Ito ay isang espesye ng naglalagas na baging na nasa mag-anak ng patani. Isa itong katutubo ng mga maulang kagubatan ng Quezon at Rizal. Ang mga baging nito ay kayang humaba ng 18 metro. Ang mga bulaklak nito ay namumukadkad lamang ng isang ulit sa isang taon tuwing Marso o Abril, na tumatagal lamang ng dalawang linggo.

  • Rafflesia Philipensis

Ito ay isang parasitikong halaman na walang dahon na sumisipsip ng lakas mula sa isang natatanging espesye ng halaman. Matatagpuan lamang ang espesyeng ito sa isang nag-iisang tipon sa Bundok Banahaw.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksiyunaryong Tagalog-Ingles. Maynila: Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas; ipinamamahagi ng National Book Store. p. 1583. ISBN 971-91055-0-X.
  2. "Endemic & Endangered Plants and Animals in the Philippines". Scribd. Nakuha noong 17 Abril 2025.
  1. endemic

BulaklakHalamanBotanika Ang lathalaing ito na tungkol sa Bulaklak, Halaman at Botanika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.