Narsiso
Narsiso | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
(walang ranggo): | |
(walang ranggo): | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | Narcissus |
Sub-sari, Mga uri, Mga sub-uri | |
Tingnan ang teksto. |
Ang narsiso[1] o Narcissus ay isang pang-botanikang pangalan para sa isang sari ng pangunahin na mga balisaksak o matitibay na mga halaman, at karamihan sa mga bulbo, ulo, o bumbilya (halamang parang sibuyas) ng mga ito ang namumulaklak (karaniwan ang kulay dilaw[1] at puti[2]) tuwing tagsibol.[3] Kabilang sila sa pamilya ng mga amaryllid o Amaryllis na katutubo sa Europa, Hilagang Aprika, at Asya. Mayroon din ilang mga uri ng mga narsisong namumulaklak tuwing taglagas. Bagaman sinasabi ng Hortus Third[4] na may 26 mga uring ilang o ligaw. Sinasaad naman ng Daffodils for North American Gardens[5] na mayroong nasa pagitan ng 50 at 100 mga uri, hindi kasali ang mga baryasyon at ligaw na mga haybrid. Sa pamamagitan ng mga pananaliksik na taksonomiko at henetiko, tinatayang mas mapipino o mapapainam pa ang ganitong bilang sa ilalim ng pagdaan ng panahon.[6] Daffodil[2] ang karaniwang katawagan sa Ingles para sa narsiso, minsang ginagamit na para sa lahat ng mga uri nito, at siyang pangunahing karaniwang pangalan sa hortikulturang ginagamit ng American Daffodil Society o "Amerikanong Samahang Pang-narsiso.[7] Mabigat na nabago at nadugtungan ang sakop ng mga anyong inaalagaan o sumailalim sa kultibasyon, na may bagong mga baryasyong makukuha sa mga espesyalista sa halos bawat taon. Kamukha ng narsiso ang jonquil subalit mayroon ang huli ng mga bulaklak na may hugis tasa ang gitna, at may mas makikitid na mga dahon.
Ang isang dilaw o puting bulaklak na kahugis ng trompeta ay tumutubo mula sa duluhan ng isang tangkay na may habang 12 pulgada. Tumutubo naman mula sa bulbo at pumapaligid sa tangkay ang mga dahong patag at hugis espada. Humahabang hanggang 12 pulgada ang dahon.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Narcissus, daffodil - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 "Daffodil". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 373. - ↑ "Daffodil". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 49.
- ↑ Hortus Third, mga tauhan ng The L.H. Bailey Hortorium, Pamantasan ng Cornell, 1976, pp. 754-756. (Macmillan Publishing Company, NY, NY; ISBN 0-02-505470-8)
- ↑ Daffodils For North American Gardens, Brent at Becky Heath, 2001, (Bright Sky Press, Albany, TX; NY, NY; ISBN 0-9704729-7-8)
- ↑ "GardenOpus". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-08-05. Nakuha noong 2021-09-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ American Daffodil Society - ADS