Pambansang Aklatan ng Israel
Itsura
(Idinirekta mula sa National Library of Israel)
31°46′33.01″N 35°11′48.58″E / 31.7758361°N 35.1968278°E
Ang Pambansang Aklatan ng Israel (Ingles: National Library of Israel, NLI; Hebreo: הספרייה הלאומית; dating: Aklatang Pambansa at Pampamantasan na Panghudyo (Jewish National and University Library - JNUL, Hebreo: בית הספרים הלאומי והאוניברסיטאי), ay ang pambansang aklatan ng Israel. Naghahawak ang aklatan ng mahigit sa 5 milyong mga aklat, at matatagpuan sa kampus ng Givat Ram ng Hebreong Pamantasan ng Herusalem.
Ang Pambansang Aklatan ng Israel ang nagmamay-ari ng pinakamalaking kalipunan sa mundo ng Hebraika at Hudaika, at ito ay isang repositoryo ng maraming bihira at natatanging mga manuskrito, mga aklat, at mga artipakto.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Jewish National & University Library History Naka-arkibo 2007-04-21 sa Wayback Machine. (sa Ingles)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]May kaugnay na midya tungkol sa National Library of Israel ang Wikimedia Commons.