Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kalubkob"

Jump to navigation Jump to search
1,358 byte added ,  8 year ago
dagdag
("[")
(dagdag)
[[Talaksan:Millward0004 211.jpg|thumb|Isang babaeng nakasuot ng isang helmet na pampagbibisikleta.]]
Ang '''kalubkob''', na nakikilala rin bilang '''helmet''', '''kupya''', o '''salakot'''<ref name=LVS>[http://www.lingvozone.com/main.jsp?action=translation&do=dictionary&language_id_from=23&language_id_to=38&word=helmet helmet], lingvozone.com</ref>, ay isang uri ng [[panakip]] at pananggalang o pruteksiyon sa [[ulo]] at sa [[mukha]],<ref name=Bansa>[http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=helmet helmet], bansa.org</ref> upang huwag masugatan, mapinsala, o masaktan ang mga bahaging ito ng katawan. Ang mga kalubkob ay maaaring maging matigas o may malambot na saping [[sumbrero]]. Maraming mga uri ng kalubkob, na ang ilan ay gawa mula sa metal, habang ang iba ay yari sa plastik. Sa karaniwan, ang mga kalubkob ay mayroong mga malambot na saping yari sa tela o hibla at mga panaling tela o hibla upang mapanatiling nakasuot ang kalubkob sa ulo ng tao.
 
Bagaman ang pangunahing layunin ng pagsusuot ng kalubkob ay ang prutektahan ang ulo at mukha, mayroong mga helmet na pangseremonya o simboliko na walang mga tungkuling pangsangga. Ang pinaka matandang paggamit ng mga kalubkob ay ang paggamit ng mga kawal na [[Asiryo]] noong 900 BK, na nagsipagsuot ng mga helmet na yari sa makapal na katad o kaya ay gawa sa matigas na [[tansong pula]] upang mapruteksiyunan ang ulo mula sa mga mapupurol na mga bagay o mga pagtama ng mga [[espada]] at mga pagtama ng mga [[palaso]] habang nakikipaglaban. Nagsusuot pa rin sa kasalukuyan ang mga sundalo, na sa ngayon ay kadalasang yari sa [[Kevlar]], mga materyal na magaan at gawa sa plastik.
 
Sa buhay na sibilyano, ang mga helmet ay ginagamit para sa mga gawaing pangrekreasyon at pampalakasan o pang-isports; pati na sa mga gawaing panghanapbuhay na mapanganib; at sa transportasyon. Magmula noong dekada ng 1990, ang karamihan sa mga kalubkob ay gawa mula sa mga [[resina]] o mga plastik, na maaaring patibayin ng mga hiblang katulad ng mga [[aramid]].
 
Ang salitang ''helmet'' ay isang diminutibo o paghango sa salitang ''helm'' sa Ingles, isang salitang midyebal (mula sa [[Gitnang Kapanahunan]]) na may kahulugang "kasuotang pang-ulo na pananggalang kapag nakikipaglaban". Sa orihinal, ang isang ''helmet'' ay isang ''helm'' na bahagi lamang na tumatakip sa ulo.
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits

Nav menu