Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Likas na pagpili"

Jump to navigation Jump to search
m
Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.87.156.142 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Bluemask
(By adding some info)
Tatak: Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile Pagbabagong ginawa sa pamamagitan ng mobile web
m (Ibinalik ang mga pagbabago ni 203.87.156.142 (Usapan) patungo sa huling rebisyon ni Bluemask)
Tatak: Rollback
Ang '''Natural na seleksiyon''' o '''Pagpili ng kalikasan''' (Ingles: ''natural selection'') ay isang prosesong naghindi reresultadala ng pagkaligtas ng mga hayop sa kanilang paligid o kapaligiran na pagsuling o hindi dahil sa pagkakataon lamang (tinatawag na ''nonrandom'') kung saan ang mga [[trait|likas na gawi]] o katangiang pambiyolohiya ay nagiging humigit-kumulang karaniwan sa isang [[populasyon]] bilang isang tungkulin ng reproduksiyong diperensiyal o pangpagkakaiba-iba ng kanilang mga tagapagdala. Isa itong susing mekanismo ng [[ebolusyon]].
 
Umiiral ang pagkakaiba-iba sa loob ng lahat ng mga populasyon ng mga [[organismo]]. Bahagiang nagaganap ito dahil sa ang [[random|masuling]] na mga [[mutasyon]] ay nagsasanhi ng mga pagbabago sa ''[[genome]]'' o henoma ng isang indibidwal na organismo, at ang mga mutasyong ito ay maaaring maipasa sa supling. Sa kahabaan ng mga buhay ng mga indibidwal, ang kanilang mga henoma ay nakikipag-ugnayan sa kanilang mga kapaligiran upang makapagdulot ng mga baryasyon o mga kaibahan sa mga katangiang pambiyolohiya. Kabilang sa kapaligiran ng henoma ang biyolohiyang pangmolekula sa [[sihay]], iba pang mga sihay, iba pang mga indibidwal, mga populasyon, mga [[uri]] o espesye, pati na sa kapaligirang [[abiyotiko]]. Ang mga indibidwal na mayroong partikular na mga baryante o kaibahan sa mga likas na gawi o katangian ay maaaring makaligtas o matirang nabubuhay at makapagpaparami ng mas maraming mga indibidwal na may iba pang mga kaibahan. Kung kaya't umuunlad o nagkakaroon ng [[ebolusyon]] sa populasyon. Ang mga bagay na nakakaapekto sa katagumpayang pangreproduksiyon ay mahalaga rin, isang paksang pinaunlad ni [[Charles Darwin]], halimbawa na ang kaniyang mga ideya ukol sa [[seksuwal na pagpili]].
 
Ang likas na pagpili ay isa sa mga [[cornerstone|panulukang bato]] ng makabagong [[biyolohiya]]. Ang kataga ay ipinakilala ni Darwin sa kanyang maimpluwensiyang aklat noong 1859 na pinamagatang ''[[Ukol sa Pinagsimulan ng mga Uri]]'',<ref name=origin>Darwin C (1859) ''[[On the Origin of Species by Means of Natural Selection, or the Preservation of Favoured Races in the Struggle for Life]]'' John Murray, London; modern reprint {{cite book|author = Charles Darwin, Julian Huxley|year = 2003|title = On The Origin of Species| publisher = Signet Classics|isbn = 0-451-52906-5}} Inilathalang [[online|nasa linya]] (sa Internet) na nasa [http://darwin-online.org.uk/ The complete work of Charles Darwin online]: [http://darwin-online.org.uk/content/frameset?itemID=F373&viewtype=side&pageseq=2 On the origin of species by means of natural selection, or the preservation of favoured races in the struggle for life].</ref> kung saan ang likas na pagpili ay inilarawan bilang kahuwad (analogo) sa [[pagpiling artipisyal]], isang proseso kung saan ang mga hayop o mga halaman na may mga likas na gawi o katangian ay itinuturing na kanais-nais ng mga taong taga-iwi (tagapag-alaga) kaya't masistemang pinapaboran o ginugusto para sa reproduksiyon o pagpaparami. Ang konsepto ng likas na pagpili ay unang napaunlad na wala ang isang katanggap-tanggap na teoriya ng [[pagmamana]]; sa panahon ng pagsusulat ni Darwin, walang nalalaman hinggil sa modernong henetika. Ang pag-iisa o pagsasama ng tradisyunal na [[Darwinismo|ebolusyong Darwiniano]] sa kasunod na mga pagtuklas sa [[henetikang klasikal]] at [[henetikang molekular|molekular]] ay tinawag na ''[[modern evolutionary synthesis|modernong ebolusyonaryong sintesis]]''. Ang likas na pagpili ay nananatili bilang pangunahing paliwanag para sa [[ebolusyong adaptibo]].
 
==Tingnan din==
*[[Artipisyal na seleksiyon]]

Menu ng paglilibot