Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Mikropono"

Jump to navigation Jump to search
m
robot binago: id:Mikrofon; Kosmetiko pagbabago
m (robot dinagdag: th:ไมโครโฟน)
m (robot binago: id:Mikrofon; Kosmetiko pagbabago)
Ang '''mikropono''' o '''microphone'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Mikropono, microphone, tanggap na ang baybay na Ingles para sa Tagalog sa sangguniang ito, maging ang '''maik''' o '''mike'''}}</ref> [bigkas: ''maykrofown''], na tinatawag ding '''mike''' [bigkas: ''mayk''], '''maik''' (mga pinaikling bersyon ng ''microphone'') o '''miktinig''' ay isang akostiko-hanggang-elektrikong [[transducer|transduser]] o [[sensor]] na may kakayahing palitan o baguhin ang tunog para maging [[electric signal|hudyat na elektriko]]. Ginagamit ang mga ito sa maraming mga bagay katulad ng [[telepono]], [[grabador]] o [[rekorder]] (''tape recorder''), [[hearing aid|aparatong pantulong-sa-pandinig]], produksyon ng [[pelikula]], buhay at nakarekord na [[inheriyang awdyo]], sa pagbobrodkast sa [[radyo]] at [[telebisyon]], at mga [[kompyuter]] para masagap ang tinig, [[Voice over IP|VoIP]], at maging sa mga di-akostikong paggamit tulad ng [[ultrasonic checking|pagsusuring ultrasoniko]].
 
== Mga bahagi ng mikropono ==
Kabilang sa mga payak na bahagi ng mikropono ang '''dayapram''' (''diaphragm'') at ang '''kapsula'''. Isang manipis at matalon na piraso ng metal, papel, o plastik ang nagsisilbing dayapram. Samantalang naglalaman naman ang kapsula o kapsul ng mga maliliit na butil ng karbon.<ref name=NBK/>
 
== Paggana ng mikropono ==
Nagiging enerhiyang kuryente ang tunog sa pamamagitan ng mikropono sapagkat mayroon itong mga materyales, katulad ng mga butil ng [[karbon]], na nagpapadaloy (nagsisilbing konduktor) sa kuryente kapag ipinasailalim ng presyon o lakas. Mas maraming kapangyarihan o presyon, mas maraming elektrisidad ang dadaloy.<ref name=NBK>{{cite-NBK|''"How does a microphone work?"''}}</ref>
 
Kapag tumama sa dayapram ang mga alon ng tunog, itinutulak at pinipiga nito ang mga butil ng karbon para magkadikit-dikit. Kapag malakas ang presyon o lakas ng pagtulak o pagpiga, malakas din ang daloy ng kuryente; kapag mahina ang presyon, mahina rin ang daloy ng kuryente. Laging nakaayon o depende ang daloy ng kuryente sa natatanggap na bilang o kantidad ng lakas o presyon. Nakaayon naman o depende ang bilang o timbang ng presyon mula sa dami ng tunog na natatanggap nito. Kapag tumigil ang tunog o pagpapatugtog, sa kaso ng musika, magbabalik ang dayapram sa orihinal nitong posisyon, at titigil din ang daloy ng kuryente.<ref name=NBK/>
 
== Sanggunian ==
{{reflist}}
 
[[he:מיקרופון]]
[[hu:Mikrofon]]
[[id:MikroponMikrofon]]
[[it:Microfono]]
[[ja:マイクロフォン]]
64,495

edit

Nav menu