Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Kahinugang pangkasarian"

Jump to navigation Jump to search
dagdag
(bago)
 
(dagdag)
Ang '''kagulangang pangkasarian''', '''kagulangang pangpagtatalik''', '''kahinugang pangkasarian''', '''kahinugang pangpagtatalik''', '''kagulangang seksuwal''', '''kahinugang seksuwal''', o '''seksuwal na maturidad''' ay ang edad o gulang o kaya kalagayan o katayuan kung kailan ang isang [[organismo]] ay maaari nang [[magparami]] ([[reproduksyon]]). Kung minsan, itinuturing itong kasingkahulugan ng [[kagulangan]] (''adulthood''), bagaman magkaiba ang dalawang ito. Sa mga tao, ang proseso ng paggulang na pangpagtatalik ay tinatawag na [[kabagongtauhan]] o pubertad.
 
Karamihan sa mga organismong [[multiselular]] (may maraming mga [[selula]]) ay hindi nagkakaroon ng kakayahang makapagparami sa panahon ng pagsilang (ang tinatawag na [[herminasyon]]), at nakabatay sa mga uri o espesye, maaaring umabot ng maraming mga araw, mga linggo, o mga taon hanggang sa ang kanilang mga katawan ay magkaroon ng ganoong kakayahan. Gayundin, may ilang mga pahiwatig na maaaring magsanhi sa isang organismo upang magkaroon ng kahinugang seksuwal. Maaaring panlabas, katulad ng tagtuyot, o panloob, katulad ng bahagdan ng taba sa katawan (ang ganyang mga pahiwatig na panloob ay hindi dapat ikalito mula sa mga hormonang tuwirang gumagawa ng kahinugang seksuwal).
166,389

edits

Nav menu