Pumunta sa nilalaman

National Honor Society

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang National Honor Society (NHS) ay isang pambansang organisasyon na may maraming mga lokal na pangkat para sa mga estudyante sa mataas na paaralan na nakatira sa Estados Unidos. Pinipili ang mga miyembro base sa kanilang mga marka, pamumuno, paglilingkod sa komunidad, at pagkatao. Itinatag ang National Honor Society noong taong 1921 ng National Association of Secondary School Principals sa Pittsburgh, Pennsylvania.[1]

Aktibo ang mga pangkat ng National Honor Society sa paglilingkod sa komunidad at eskuwelahan; kinakailangan ng mga pangkat na makipagsali ang mga miyembro nila sa paglilingkod.

Naghahalal din ang mga miyembro ng pangkat ng kanilang mga estudyanteng opisyal.

Mga Miyembro at Teritoryo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mahigit isang milyong mag-aaral ang tinatayang parte ng National Honor Society, mula sa Estados Unidos, Canada, at iba pang mga teritoryong Amerikano. Mayroon din mga pangkat sa Asya at sa buong mundo kung saan ay mga internasyonal at Amerikanong paaralan.

Ang pang-organisasyong kasabihan ng National Honor Society ay noblesse oblige. Ayon sa Dictionnaire de l'Académie française, ang kahulugan ng noblesse oblige ay:

  1. "Kung sinumang sinasabing siya ay marangal ay dapat mag-uugali nang marangal."
  2. "Dapat kumilos ang isang tao ayon sa kanyang tungkulin at reputasyon niya."

Pagbibigay-pera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mula noong 1946, nagbigay ang National Honor Society na higit US$15 milyon sa kanilang mga scholarship awards.[2] [3] Namimili ang National Honor Society ng mga 600 mag-aaral para sa kanilang scholarship awards kung saan maaari silang manalo na isang US$3,200 hanggang US$25,000 na premyo.[2] Umaabot ng US$2 milyon ang NHS sa paggagastos ng mga scholarship.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. “About.” NHS, 23 Dec. 2019, www.nhs.us/about/.
  2. 2.0 2.1 “The NHS Scholarship.” NHS, 23 Dec. 2019, https://www.nhs.us/students/the-nhs-scholarship/.
  3. Grin, Angelina (3 Mar 2022). "How to Masterfully Cover the Topic of National Honor Society". Studybay.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)