Pumunta sa nilalaman

Likas na kasaysayan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Natural historian)

Ang likas na kasaysayan o kasaysayang pangkalikasan (Ingles: natural history, mula sa Latin na: naturalis historia o "kasaysay ng kalikasan") ay ang makaagham na pananaliksik ng mga halaman at mga hayop, na mas nakakiling patungo sa mga paraan ng pag-aaral na pang-obserbasyon sa halip na pang-eksperimento, at mas sumasaklaw sa mga pananaliksik na nalathala sa mga magasin kaysa sa mga diyaryong pang-akademya.[1] Ipinangkat sa piling ng mga likas na agham, ang likas na kasaysayan ay isang masistemang pag-aaral ng anumang kategorya ng likas na mga bagay o mga organismo.[2] Iyan ay isang napakalawak na kapangalanan o designasyon sa loob ng isang mundo puno ng maraming mga disiplinang may kakitiran ang pagtutuon. Kung kaya't habang ang modernong likas na kasaysayan ay maipepetsang pangkasaysayan na nagmula sa mga pag-aaral sa sinang mundong Greko-Romano at midyibal na mundong Arabo hanggang sa nagkalat ngunit magkakalayo at magkakabukod na mga siyentipiko noong panahon ng Renasimyento sa Europa, ang larangan sa kasalukuyan ay mas isang pangunahing disiplinang nagtatawiran ng maraming mga agham na pang-espesyalidad. Halimbawa na, ang heobiyolohiya ay may isang malakas at likas na katangiang multidisiplinaryo na nagsasama-sama ng mga siyentipiko at kaalamang pang-agham ng maraming mga agham na pang-espesyalidad. Ang isang taong nag-aaral ng likas na kasaysayan ay tinatawag na naturalista (literal na makakalikasan) o pangkalikasang manunulat ng kasaysayan ("natural na historyador").

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Natural History WordNet Search, princeton.edu.
  2. Brown, Lesley (1993), The New shorter Oxford English dictionary on historical principles, Oxford [Eng.]: Clarendon, ISBN 0-19-861271-0{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.