Taktikang pandagat
Ang mga taktikang nabal o mga taktikang pangdagat (Ingles: naval tactics) ay isang mapagtipong pangalan ng mga paraan ng pagharap at paggapi sa isang kalabang barko o pulutong ng mga sasakyang pangdagat na nakikipaglaban sa karagatan habang nagaganap ang isang digmaang pandagat. Ito ang katumbas ng taktikang pangmilitar na nagaganap sa lupa.
Ang mga taktikang pangdagat ay kaiba mula sa estratehiyang pangdagat (estratehiyang nabal). Nakatuon ang taktikang pangdagat sa mga galaw na ipinapagawa ng isang komander, na karaniwang nasa pagkakaroon ng isang kaaway. Nakatuon naman ang estratehiyang pangdagat sa pangkalahatang estratehiya para sa pagkakamit ng tagumpay at sa malalaking mga paggalaw na kinakamit ng isang komandante at ng komander ang kapakinabangan ng pakikipag-away habang nasa isang lugar na akma at marapat para sa kaniyang sarili.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.