Nepenthes sericea
Nepenthes sericea | |
---|---|
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | Plantae |
Klado: | Tracheophytes |
Klado: | Angiosperms |
Klado: | Eudicots |
Orden: | Caryophyllales |
Pamilya: | Nepenthaceae |
Sari: | Nepenthes |
Espesye: | N. sericea
|
Pangalang binomial | |
Nepenthes sericea Golos, Wistuba, G.Lim, Mey, S.McPherson & A.S.Rob., 2023[1]
|
Ang Nepenthes sericea ay isang tropikal na pitcher plant na endemic sa hilagang-gitna ng Titiwangsa Range sa Peninsular Malaysia at partikular na kilala mula sa Cameron Highlands. Ang Nepenthes sericea ay naibukod sa Nepenthes macfarlanei sa pamamagitan ng mga pitcher nito na may siksik na mga filamentous hairs na may 2 mm ang haba o mas maikli sa takip nito, samantalang ang huli ay may mga pitcher na may maraming makapal na lid hair na 5-12 mm ang haba. Gayundin, ang mga nasa taas na pitcher ng N. sericea ay maaaring maging ganap na infundibular o hugis imbudo na may bahagyang pagkipot sa ibaba lamang ng peristome, o ang ilang mga halaman ay maaaring may mid-point hip o balakang sa pantaas na pitcher na ang natitirang bahagi ng pitcher ay nagiging cylindrical o sub-infundibular ang hugis sa itaas ng nabanggit na balakang. Sa kabaligtaran, ang mga pang-itaas na pitcher ng N. macfarlanei sa pangkalahatan ay ganap na infundibular at maaaring mayroon o walang balakang na nasa ibaba lamang ng peristome.[1]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pangalan para sa species na ito, "sericea", ay nagmula sa salitang Latin na nangangahulugang "silken", bilang pagtukoy sa mga kapansin-pansing pinong buhok na malambot kapag nahahawakan kumpara sa magaspang na bristles ng Nepenthes macfarlanei.[1]
Pamumulaklak
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga species ay naoobserbahan na namumulaklak sa buong taon.[1]
Distribution at ekolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga indibidwal ng N. sericea ay naitala sa ilang mga taluktok ng Titiwangsa Range na may taas na hanay na 1,300 metro sa ibabaw ng antas ng dagat at umabot sa pinakamataas na limitasyon na 2,180 metro sa ibabaw ng antas ng dagat sa tuktok ng Gunung Korbu, ang pinakamataas na bundok sa hanay.[1]
Ang partikular na species na ito ay makikitang tumutubo sa lupa o bilang mga epiphytic na halaman sa loob ng mga malumot na kagubatan, gayundin sa ibabaw ng mga taluktok ng bundok na natatakpan ng mga mabababang halaman o scrub. Ang mga pangbabang pitcher ng halaman na ito ay nabubuo at kadalasang nababalot sa isang siksik na layer ng Sphagnum moss.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 1.6 Lim, Gideon; Golos, Michal R.; Mey, François S.; Wistuba, Andreas; McPherson, Stewart R.; Robinson, Alastair S. (Abril 13, 2023). "Delimitation of the Nepenthes macfarlanei Group with two species described as new In: Nepenthes - The Tropical Pitcher Plants Volume 3" (PDF). Redfern Natural History. ISBN 978-1-908787-49-1. Nakuha noong Mayo 27, 2023.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)