Pumunta sa nilalaman

Bagong midya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa New media)

Ang bagong midya ay ang pagkanakakapunta sa o pagkanakakakuha ng nilalaman anumang oras ayon sa pangangailangan, sa anumang aparatong dihital, pati na sa interaktibong tugon ng tagagamit, malikhaing pakikilahok at pagbubuo ng pamayanan sa paligid ng nilalaman ng midya. Isa pang mahalagang pangako ng bagong midya ay ang "demokratisasyon" ng paglikha, paglalathala, pagpapamudmod at pagkonsumo ng nilalaman ng midya. Ang isa pang aspeto ng bagong midya ay ang pangtunay na panahon na paglikha ng bago at walang patakarang nilalaman.[kailangan ng sanggunian]

Karamihan sa mga teknolohiyang nilalarawan bilang "bagong midya" ay dihital, na kadalasang may katangian ng pagiging mamanipula (mababago), mainenetwork, masinsin, mapipiga, at interaktibo.[1]

Ang ilan sa mga halimbawa ay ang Internet, mga websayt, mga larong bidyo, mga CD-ROM, at mga DVD. Hindi kasama sa bagong midya ang mga programang pantelebisyon, mga pelikulang tampok, mga magasin, mga aklat, o mga lathalain nasa papel – maliban na lamang kung naglalaman ang mga ito ng mga teknolohiyang nagpapagana ng interaktibidad na dihital.[2] Ang Wikipedia, isang ensiklopedyang nakaugnay sa linya ng Internet, ay isang halimbawa, na naglalangkap ng dihital na tekstong dihital, mga imahe at mga bidyo na may mga kawing na pangweb na napupuntahan sa Internet, at mayroon ding pakikilahok ng mga tagapag-ambag, interaktibong tugunan ng mga tagagamit at pagbubuo ng isang pamayanan ng mga kalahok na mga patnugot at mga tagapagkaloob ng donasyon para sa kapakinabangan ng mga mambabasa na hindi kasapi sa pamayanan. Ang Facebook ay isang halimbawa ng modelo ng social media, kung saan ang karamihan ng mga tagagamit ay mga kalahok din.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Flew, 2008
  2. Manovich, Lev. "New Media From Borges to HTML." The New Media Reader. Patnugot. Noah Wardrip-Fruin & Nick Montfort. Cambridge, Massachusetts, 2003. 13-25.

Komunikasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.