Nirvana (banda)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Nirvana
Ang mga miyembro ng Nirvana na sina Krist Novoselic (kaliwa) at Kurt Cobain habang nagtatanghal noong Gantimpala sa Bidyo-Awit ng MTV ng 1992 (1992 MTV Video Music Awards)
Kabatiran
Pinanggalingan Aberdeen, Washington, Estados Unidos
Genre Alternative rock, grunge
Taong aktibo 1987–1994
Mga tatak Sub Pop, DGC Records
Mga nakaugnay na akto Fecal Matter, Foo Fighters
Website nirvana.com
Mga kasapi
Kurt Cobain
Krist Novoselic
Dave Grohl
Mga dating kasapi
Aaron Burckhard
Dale Crover
Dave Foster
Chad Channing
Jason Everman
Dan Peters

Ang Nirvana ay isang rock na bandang Amerikano na binuo ng mang-aawit at gitaristang si Kurt Cobain at ng bahistang si Krist Novoselic sa Aberdeen, Washington noong 1987. Dumaan ang Nirvana sa pagpapalit-palit ng tambolista, ang pinakatumagal ay si Dave Grohl, na naging bahagi ng banda noong 1990. Sa kabila ng paglalabas lamang ng tatlong full-length studio albums sa pitong taong karera nila, ang Nirvana ay kinikilala bilang isa sa mga pinakamaimpluwensiya at pinakamahalagang bandang rock ng makabagong panahon.

Noong huling bahagi ng dekada 80, nakita ng Nirvana ang sarili nila bilang bahagi ng Seattle grunge, at naglabas sila ng kanilang unang album na pinamagatang Bleach para sa independent record label na Sub Pop noong 1989. Kinalauna'y nakabuo sila ng sariling tunog na nakadepende sa dinamikong salungatan (dynamic contrasts), madalas sa pagitan ng mga tahimik na mga taludtod at maiingay at mabibigat ng mga koro. Matapos pumirma sa malaking record label na DGC Records, nakatagpo ang Nirvana ng di-inaasahang tagumpay sa awiting "Smells Like Teen Spirit", ang unang isahang awit (single) mula sa ikalawang album ng banda na Nevermind (1991). Ang kagyat na kasikatan ng Nirvana ang nagpasikat pa lalo ng alternative rock sa kabuuan, at nakita rin ng punong mang-aawit ng banda na si Cobain ang sarili nito na ipinakikilala ng midya bilang "tagapagsalita ng isang henerasyon" (spokesman of a generation), na ang Nirvana ay itinuring bilang simbolong banda (flagship band) ng Henerasyong X (Generation X).[1] Ang ikatlong studio album ng Nirvana, ang In Utero (1993) ay nagtampok sa abrasive at mas di-popular na tunog, na humamon sa mga tagapakinig ng banda. Hindi napantayan ng album na ito ang kinita ng Nevermind subalit tagumpay pa rin ang paglabas at pinuri ito.

Nagwakas ang maikling pamamayagpag ng Nirvana matapos mamatay si Kurt Cobain noong 1994, subalit iba't-ibang mga posthumous releases ang inilabas mula noon, na pinamamahalaan nina Novoselic, Grohl, at ng balo ni Cobain na si Courtney Love. Mula nang nag-umpisa ang banda, nakapagbenta sila ng mahigit 25 milyong rekord sa Estados Unidos pa lamang, at mahigit 75 milyong rekord naman sa buong mundo, dahilan upang sila'y ituring na isa sa mga pinakamabiling banda sa lahat ng panahon.[2][3] Inilukok ang Nirvana sa Rock and Roll Hall of Fame sa unang taon ng pagkakahirang nito, noong 2014.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Azerrad, Michael. "Inside the Heart and Mind of Nirvana". Rolling Stone. 16 Abr 1992. Inarkibo mula sa orihinal noong 09 Ene 2008. Hinango noong 23 Ago 2010.
  2. Gupta, Rapti (17 Dis 2013). "Nirvana to be Inducted to the Rock Hall of Fame in 2014". International Business Times. http://www.ibtimes.co.in/nirvana-to-be-inducted-to-the-rock-hall-of-fame-in-2014-530770. Hinango noong 17 Mayo 2014. 
  3. "Top Selling Artists". Recording Industry Association of America. Hinango noong 07 Mar 2012.