Noelene Nabulivou
Si Noelene Nabulivou ay isang aktibista ng Fijian at tagapagsalita sa pagbabago ng klima, sustainable development, at pagkakapantay-pantay ng kasarian . [1] Siya ang co-founder at tagapayo sa pulitika para sa Diverse Voice and Action for Equality (DIVA), isang samahan na nakatuon sa climate justice, karahasan laban sa mga kababaihan, karapatang pantao at mga karapatan sa LGBTQ.
Nagtrabaho si Nabulivou upang protektahan ang pangkalahatang kalusugan sa loob ng mahigit 30 taon, nitong kamakailan lamang ay naging mas mahirap ito. Hindi lamang ang pandemyang ito ang kinakaharap ni Fiji sa kasalukuyan, tinitingnan niya ring suliranin ang mga usapin patungkol sa klima. Ang mga tropikal na bagyo ay umuusbong sa paligid ng Timog Pasipiko na lumilikha ng "kakulangan ng pabahay, edukasyon, tubig at kalinisan, pagkain at seguridad." [2][3]
Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Nabulivou ay lumaki sa pagitan ng Perth, Australia at Fiji. Sa Perth siya ay kabilang sa mga maliliit na kolektibong anarkista, mga migrante at mga katutubong grupo, at mga proyekto sa publikong sining. Nag-aral siya ng mga internasyonal na ugnayan at pag-aaral ng kapayapaan sa antas ng pamantasan, at nagtataglay din ng diploma sa mga sining sa pamayanan.
Si Nabulivou ay aktibo bilang tagapagsalita ng Fijian at Pasipiko sa mga proseso at workgroups ng United Nations tulad ng Small Island Developing States, Rio + 20 (the United Nations Conference on Sustainable Development ) at Agenda 2030 (the United Nations ' Sustainable Development Goals ).
Roll in Diverse Voices and Action (DIVA):
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mula noong 2011, si Nabulivou ay naging cofounder at tagapayo sa politika ng Diverse Voice and Action (DIVA). Ang support group na ito ay para sa mga taong LBTI, katulad niya. Lumilikha ang pangkat na ito ng isang network ng mga katulad na indibidwal. Ayon sa website ng Astraea Lesbian Foundation, si Nabulivou at ang mga kasapi ng DIVA ay nagtutulungan upang isulong ang pagkakapantay-pantay, "proteksyon at pagsulong ng mga karapatang sekswal, karapatang pantao, hustisya sa kasarian at hustisya panlipunan, pang-ekonomiya, ekolohiya at klima."
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Purvis, Katherine (2016-12-22). "'The most inspiring person I've ever met': your aid worker heroes of 2016". the Guardian (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Noelene Nabulivou". The Pacific Community (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Pearce, Jacqui. "Human Rights activist Noelene Nabulivou on Equality" (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-07-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)