Pumunta sa nilalaman

Noelia Voigt

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Noelia Voigt
NagtaposUniversity of Alabama[1]
Titulo
Beauty pageant titleholder
Major
competition(s)

Si Noelia Voigt ay isang Amerikanang modelo at beauty pageant titleholder na kinoronahang Miss USA 2023 noong Setyembre 29, 2023. Siya ang ikatlong babae mula sa Utah na nanalo bilang Miss USA, animnapu't-tatlong taon pagkatapos ng huling panalo nito noong 1960. [2]

Kinatawan niya ang Estados Unidos sa Miss Universe 2023 pageant noong Nobyembre 18, 2023, sa El Salvador, kung saan siya ay nagtapos sa Top 20.[3] Si Voigt ay isang tagapagtaguyod laban sa panunupil. Noong Mayo 6, 2024, tinalikuran niya ang kanyang titulo.[4]

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Voigt ang unang Benesolana-Amerikanang nakakuha ng titulong Miss Utah USA ,at kalaunan ay Miss USA.[5] Nag-aral siya sa Pine View School for the Gifted sa Osprey, Florida.[6]

Ipinahayag ni Voigt ang kanyang kagustuhang sumali sa mga pageant noong siya ay bata pa lang, ngunit pinaghintay siya ng kanyang ina hanggang sa siya ay maging dalaga.[7] Matapos lumahok sa kanyang unang pageant sa edad na 16, hinarap niya ang pang-aapi ng kanyang mga kapantay na nagbigay inspirasyon sa kanya na kumuha ng plataporma laban sa pang-aapi.[7] Noong 2021, isinulat ni Voigt ang Maddie the BRAVE, isang librong pambata na hango sa buhay ni Madison Whittsett, isang siyam na taong-gulang na namatay sa pamamagitan ng pagpapakamatay matapos maapi sa kanyang paaralan noong 2018.[8][9]

Nag-aral si Voigt sa University of Alabama at ngayon ay isa na siyabg lisensyadong esthetician.[10]

Mga paligsahan sa kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Miss Universe 2023

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bilang Miss USA 2023, kinatawan ni Voigt ang Estados Unidos sa 2023 Miss Universe pageant na ginanap sa El Salvador noong Nobyembre 18, 2023 at nagtapos bilang 20 semi-finalist.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Mureb, Kifaya (Setyembre 30, 2023). "Noelia Voigt of Utah crowned Miss USA 2023". Today.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 1, 2023. Nakuha noong Oktubre 1, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Rees, Alex (2023-09-30). "Miss USA 2023: Noelia Voigt of USA wins pageant". CNN (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 30, 2023. Nakuha noong 2023-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Konstantinides, Anneta. "Miss Utah has been crowned the winner of Miss USA 2023". Insider (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 7, 2024. Nakuha noong 2023-09-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Justice, Bethany (2023-10-11). "Miss Utah to Miss USA: Noelia Voigt's inspiring rise in pageantry". UVU REVIEW (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 16, 2023. Nakuha noong 2023-10-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Saunders, Angel (30 Setyembre 2023). "Miss Utah Noelia Voigt Wins Miss USA 2023". People Magazine (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Setyembre 2023. Nakuha noong 16 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Mannix, Vin (8 Oktubre 2023). "VIN'S PEOPLE: Former Pine View School student from Nokomis crowned Miss USA 2023". Sarasota Herald-Tribune (sa wikang Ingles). Gannett. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Nobyembre 2023. Nakuha noong 16 Hulyo 2024.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. 7.0 7.1 Konstantinides, Anneta (6 Oktubre 2023). "Miss USA Noelia Voigt got second place at 3 different state pageants before she won the ultimate crown". Insider (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Mayo 2024. Nakuha noong 16 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Iloka, Ugochi (14 Hunyo 2021). "UA student writes anti-bullying book inspired by young girl who took her life". WBRC. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Oktubre 2023. Nakuha noong 16 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Robinson, Carol (13 Nobyembre 2018). "Family struggles after 9-year-old takes her own life". AL.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Oktubre 2023. Nakuha noong 16 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Botelho, Renan (30 Setyembre 2023). "Miss USA 2023: Noelia Voigt of Utah Wins the Crown". WWD (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Oktubre 2023. Nakuha noong 16 Hulyo 2024.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Miss Utah Noelia Voigt Crowned Miss USA 2023 Winner". Yahoo! Entertainment (sa wikang Ingles). Setyembre 30, 2023. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 2, 2023. Nakuha noong Setyembre 30, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)