Nogizaka Haruka no Himitsu
Ang Nogizaka Haruka no Himitsu (Hapones: 乃木坂春香の秘密, lit. Haruka Nogizaka's Secret o Ang Sikreto ni Haruka Nogizaka) ay isang serye ng magaan na nobela mula sa bansang Hapon na sinulat ni Yūsaku Igarashi at ginuhit ni Shaa. Ang serialisasyon ng serye ay orihinal na nagsimula sa magasin na Dengeki hp ng MediaWorks noong Hunyo 18, 2004.[1] Nailabas ang unang nobela noong Oktubre 2004, at noong Enero 2012, may 15 bolyum na ang nailathala ng ASCII Media Works sa ilalim ng imprenta ng Dengeki Bunko. Isang adaptasyong manga ang nailathala ng baha-bahagi ni Yasuhiro Miyama sa Dengeki Moeoh ng ASCII Media Works sa pagitan ng Oktubre 2006 at Agosto 2010 na mga isyu. Ang adaptasyong anime naman ay ginawa ng Studio Barcelona na umere sa pagitan ng Hulyo at Setyembre 2008; ang ikalawang season ng anime ay umere sa pagitan ng Oktubre at Disyembre 2009.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Dengeki hp volume 30" (sa wikang Hapones). MediaWorks. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-27. Nakuha noong 2008-03-25.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)