Onan
Onan | |
---|---|
Asawa | Tamar |
Magulang |
Si Onan (Hebreo: אוֹנָן, Moderno: Onan, Tiberiano: ʼÔnān, "Malakas") ay isang hindi pangunahing tao o tauhan na nasa Aklat ng Henesis sa Kabanata 38 ng Lumang Tipan ng Bibliya, na pangalawang anak na lalaki ni Judah. Katulad ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaking si Er, wala sa panahon o maaga ang naging pagkamatay ni Onan dahil sa Yahweh dahil sa kanyang pagiging balakyot.[1]
Pagkaraang mamatay ng kapatid niyang lalaki na si Er, sinabi kay Onan ng kanyang amang si Judah na tupdin ang kanyang katungkulan bilang isang kapatid sa batas ng kasal para kay Tamar, sa pamamagitan ng pagbibigay sa babae ng isang supling. Pagkaraan ng isandaang taon, noong panahon ni Moses, ang gawaing ito ay isinabatas sa anyo ng kasal na Lebirato (pagkuha sa hipag na nabiyuda bilang asawa), kung saan ang kapatid na lalaki ng namatay ay magbibigay ng supling sa nabalong walang anak[2] upang mapanatili ang guhit o kahanayang panlahi ng mag-anak o angkan.[1]
Subalit nang makipagtalik si Onan kay Tamar, binalewala niya ang prinsipyong ito nang ginambala niya ang pakikipagtalik at iniurong at inilabas niya ang kanyang titi bago siya makarating sa sukdulan at labasan ng binhi.[3] at "pinatulo ang kanyang binhi (o semen) sa lupa", dahil ang sinumang bata na isisilang ay hindi tatanawin ng batas bilang kanyang tagapagmana.[4] Ginawa niya ito ng ilang ulit,[5] na binabalewala ang prinsipyo ng isang unyong pang-Lebirado (Levirate union o Levirate marriage sa Ingles, at nahatulan siya ni Yahweh ng parusang kamatayan dahil sa pagiging isang tampalasan.(Henesis 38:8–10*) Ang kuwentong ito mula sa Bibliya ay hindi tumutukoy sa masturbasyon, bagkus ay sa coitus interruptus.[6] Hindi sinasaad ng Bibliya na makasalanan ang pagsasalsal.[7][8] Si Onan ang pinagmulan ng salitang Onanismo, na katumbas ng salitang masturbasyon.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Dancy, J. The Divine Drama: the Old Testament as Literature, (ISBN 0718829875, ISBN 9780718829872), 2002, p. 92
- ↑ Genesis 25:5–10)
- ↑ Freedman, Myers & Beck. Eerdmans Dictionary of the Bible (ISBN 0802824005, ISBN 9780802824004), 2000, p.1273
- ↑ Dershowitz. The Genesis of Justice, (ISBN 0446524794, ISBN 9780446524797), 2000, ch. 9
- ↑ Eerdmans, 2000, p.988
- ↑ Coogan, Michael (Oktubre 2010). God and Sex. What the Bible Really Says (ika-1st (na) edisyon). New York, Boston: Twelve. Hachette Book Group. p. 110. ISBN 978-0-446-54525-9. Nakuha noong Mayo 5, 2011.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Michael S. Patton (Hunyo 1985). "Masturbation from Judaism to Victorianism". Journal of Religion and Health. Springer Netherlands. 24 (2): 133–146. doi:10.1007/BF01532257. ISSN 0022-4197. Nakuha noong 12 Nobyembre 2011.
Nevertheless, there is no legislation in the Bible pertaining to masturbation.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Alex W. Kwee; David C. Hoover (2008). "Theologically-Informed Education about Masturbation: A Male Sexual Health Perspective" (PDF). Journal of Psychology and Theology. La Mirada, CA, USA: Rosemead School of Psychology. Biola University. 36 (4): 258–269. ISSN 0091-6471. Nakuha noong 12 Nobyembre 2011.
The Bible presents no clear theological ethic on masturbation, leaving many young unmarried Christians with confusion and guilt around their sexuality.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)