Ginambalang pagtatalik

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Coitus interruptus
Sanligan
Uri ng pagpigil sa pag-aanak Pang-ugali
Unang paggamit Sinauna
Kaantasan ng Kabiguan (unang taon)
Ganap na paggamit 4%
Karaniwang paggamit 15-28%
Paggamit
Pagkanababaligtad Oo
Mga paalala sa tagagamit Nakadepende sa pagpipigil ng sarili. Ang pag-ihi sa pagitan ng mga eksena ng pagtatalik ay nakakatulong sa pagtatanggal ng esperma mula sa uretra.
Pagsusuring pangklinika Wala
Kainam at hindi kainaman
Proteksiyon mula sa STD Hindi
Paul Avril - Les Sonnetts Luxurieux (1892) de Pietro Aretino, 5.jpg

Ang Coitus interruptus, na kilala rin bilang ginambalang pagtatalik, inabalang pagtatalik, tinanggihang pagtatalik, ipinagkait na pagtatalik, pagtatalik na may paghugot ng titi, paraang pahugot, paraang binubunot, o paraang pabunot, ay isang paraan ng pagpigil sa pag-aanak kung kailan ang isang lalaki, habang nakikipagtalik ay binubunot o inaalis ang kanyang titi magmula sa puke ng babae bago siya labasan o bago siya makarating sa kasukdulan. Pagkaraan, iniiwas papalayo ng lalaki ang kanyang punlay o tamod palayo mula sa puke ng kanyang katalik bilang pagtatangka na maiwasan ang inseminasyon (pagpupunla, pagbibinhi, o pagpupunlay).

Ang ganitong paraan ng kontrasepsiyon, na malawakang ginagamit ng hindi bababa sa dalawang mga milenyo, ay ginagamit pa rin magpahanggang ngayon. Ang ganitong metodo ay ginamit ng tinatayang tatlumpu't walong milyong mga magkakapareha sa buong mundo noong 1991.[1] Ang paraang hinuhugot ang titi ay hindi nagbibigay ng proteksiyon laban sa mga STD o STI.[2]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Rogow D, Horowitz S (1995). "Withdrawal: a review of the literature and an agenda for research". Studies in family planning 26 (3): 140–53. doi:10.2307/2137833. JSTOR 2137833. PMID 7570764. , which cites:
    Population Action International (1991). "A Guide to Methods of Birth Control." Briefing Paper No. 25, Washington, D. C.
  2. Creatsas G (1993). "Sexuality: sexual activity and contraception during adolescence". Curr Opin Obstet Gynecol 5 (6): 774–83. PMID 8286689.