Onchocerciasis
Onchocerciasis | |
---|---|
An adult black fly with the parasite Onchocerca volvulus coming out of the insect's antenna, magnified 100x | |
Espesyalidad | Infectious diseases, tropical medicine |
Ang onchocerciasis, na kilala rin bilang pagkabulag sa ilog at sakit ni Robles, ay isang sakit na sanhi ng impeksiyon na galing sa parasitikong uod Onchocerca volvulus.[1] Kabilang sa mga sintomas ang pangangati, mga bukol sa ilalim ng balat, at pagkabulag.[1] Ito ang pangalawang pinakapangkaraniwang sanhi ng pagkabulag galing sa impeksiyon, kasunod sa trachoma.[2]
Sanhi at and Diyagnosis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kumakalat ang parasitikong uod sa pamamagitan ng mga kagat ng isang itim na langaw na uri ng Simulium.[1] Karaniwang maraming mga kagat ang kinakailangan bago magkaroon ng impeksiyon.[3] Ang mga langaw na ito ay nakatira sa tabi ng mga ilog na pinagmumulan ng pangalan ng sakit na ito.[2] Kapag nasa loob na ng isang tao, ang mga uod ay gumagawa ng mga larba na pumupunta palabas sa balat.[1] Sa ganitong paraan nila hinahawaan ang susunod na itim na langaw na kakagat sa taong iyon.[1] May iba´t-ibang paraan kung paano gawin ang diyagnosis kabilang ang: paglagay ng isang biopsy ng balat sa tubig na may asin at pagsubaybay kung may mga larba na lalabas, paghanap ng mga larba sa mata, o pagtingin sa loob ng mga bukol sa ilalim ng balat kung may mga adultong uod ang mga ito.[4]
Pag-iwas at Paggamot
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang bakuna laban sa sakit na ito.[1] Isinasagawa ang pag-iwas sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga kagat ng mga langaw.[5] Maaaring kabilang dito ang paggamit ng pantaboy ng insekto at angkop na pananamit.[5] Kabilang sa ibang mga pagsusumikap ang pagbawas ng populasyon ng langaw sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamatay-insekto.[1] Mayroon ding mga pagsusumikap na lipulin ang sakit sa pamamagitan ng paggamot sa mga buong grupo ng tao dalawang beses sa isang taon sa ilang mga lugar sa mundo.[1] Ang paggamot sa mga nahawaan ay sa pamamagitan ng gamot na ivermectin bawat anim hanggang labindalawang buwan.[1][6] Ang paggamot na ito ay pumapatay sa mga larba ngunit hindi sa mga adultong uod.[7] Ang gamot na doxycycline, na pumapatay sa isang kaugnay na bakterya na tinatawag na Wolbachia, ay mukhang pinahihina ang mga uod at inirerekomenda rin ng iba.[7] Maaari ring alisin ang mga bukol sa ilalalim ng balat sa pamamagitan ng pag-oopera.[6]
Epidemiyolohiya at Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Halos 17 hanggang 25 milyong katao ay nahawaan ng pagkabulag sa ilog, at humigit-kumulang 0.8 milyon ay nakaranas ng pagkawala ng paningin.[3][7] Karamihan ng mga impeksiyon ay nangyayari sa Aprika sa Timog ng Sahara, kahit na may mga kaso ring nauulat sa Yemen at sa mga liblib na lugar ng Gitna at Timog Amerika.[1] Noong 1915, ang manggagamot na si Rodolfo Robles ang unang nag-unay sa uod sa sakit sa mata.[8] Itinuturing ito ng World Health Organization bilang isang napabayaang sakit pantropiko.[9]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 "Onchocerciasis Fact sheet N°374". World Health Oragnization. Marso 2014. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Onchocerciasis (also known as River Blindness)". Parasites. CDC. Mayo 21, 2013. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 "Parasites – Onchocerciasis (also known as River Blindness) Epidemiology & Risk Factors". CDC. Mayo 21, 2013. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Onchocerciasis (also known as River Blindness) Diagnosis". Parasites. CDC. Mayo 21, 2013. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "Onchocerciasis (also known as River Blindness) Prevention & Control". Parasites. CDC. Mayo 21, 2013. Nakuha noong 20 Marso 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 6.0 6.1 Murray, Patrick (2013). Medical microbiology (ika-7th (na) edisyon). Philadelphia: Elsevier Saunders. p. 792. ISBN 9780323086929.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 7.0 7.1 7.2 Brunette, Gary W. (2011). CDC Health Information for International Travel 2012 : The Yellow Book. Oxford University Press. p. 258. ISBN 9780199830367.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lok, James B.; Walker, Edward D.; Scoles, Glen A. (2004). "9. Filariasis". Sa Eldridge, Bruce F.; Edman, John D.; Edman, J. (mga pat.). Medical entomology (ika-Revised (na) edisyon). Dordrecht: Kluwer Academic. p. 301. ISBN 9781402017940.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Reddy M, Gill SS, Kalkar SR, Wu W, Anderson PJ, Rochon PA (Oktubre 2007). "Oral drug therapy for multiple neglected tropical diseases: a systematic review". JAMA. 298 (16): 1911–24. doi:10.1001/jama.298.16.1911. PMID 17954542.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)