Oncorhynchus clarkii
Cutthroat Trout | |
---|---|
Greenback cutthroat trout, O. c. stomias | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Orden: | |
Pamilya: | |
Sari: | |
Espesye: | O. clarkii
|
Pangalang binomial | |
Oncorhynchus clarkii (J. Richardson, 1836)[1]
| |
Mga subespesye | |
Oncorhynchus clarkii clarki |
Ang Oncorhynchus clarkii (Ingles: cutthroat trout) ay isang espesye ng isdang pangtubig-tabang na nasa loob ng pamilya ng mga salmon ng ordeng Salmoniformes.[2] Isa ito sa maraming mga espesye ng mga isdang pangkaraniwang nakikilala bilang mga trout sa Ingles (trucha sa Kastila, kaya't matatawag na "trutsa" sa Tagalog). Ang lahat ng mga subespesye o kabahaging espesye ng mga Oncorhynchus clarkii ay tanyag na hinuhuling isda, natatangi na sa mga namamansing o namimingwit na nasisiyahan sa libangang pangingisda. Ilan sa mga katutubong espesye ng mga Oncorhynchus clarkii ang kasalukuyang nakatala bilang nanganganib na mga espesye, pangkalahatang dahil sa pagkawala ng tahanan at pagpapakilala ng mga espesyeng hindi katutubo.
Ayon sa magasing National Geographic, nakatagpo ng mga eksplorador ng Estados Unidos na sina Lewis at Clark ang isdang ito habang isinasagawa nila ang kanilang panggagalugad o ekspedisyong transkontinental sa dalampasigan ng Pasipiko mula 1804 hanggang 1806, kaya't naging pagkain para sa mga mambibitag na pakanluran, mga minero, at mga kawani sa daang-bakal. Dahil sa pagrarantso, pagmimina, at pagtotroso, nawala ang karamihan sa orihinal na tahanan ng mga isdang ito.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Richardson, John (1836), Fauna boreali-americana, or, The zoology of the northern parts of British America: containing descriptions of the objects of natural history collected on the late northern land expedition, under command of Captain Sir John Franklin, R.N., London: J. Murray, pp. 225–226
{{citation}}
: Unknown parameter|coauthors=
ignored (|author=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Oncorhynchus clarkii". Integrated Taxonomic Information System. Nakuha noong 23 Abril 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Newman Cathy, Peter Essick, and Jack Unruh. "Cutthroat Trout (Oncorhynchus clarki)", A Trout Family Portrait, A Passion for Trout, National Geographic, Tomo 189, Blg. 4, Abril 1996, pp. 72-73
Ang lathalaing ito na tungkol sa Isda ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.