Pumunta sa nilalaman

Lutrinae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Oter)

Mga oter
Eurasyanong oter
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Subpamilya:
Lutrinae
Mga sari

Amblonyx
Aonyx
Enhydra
Lontra
Lutra
Lutrogale
Pteronura

Isang oter sa ilog.
Tungkol ito sa mamalya. Para sa gawaing panrelihiyon, pumunta sa Lutrina (sa relihiyon).

Ang mga oter, otor, o lutrino (Lutrinae) (Ingles: otter, Kastila: lutrino, nutria), kilala rin bilang mga nutria o nutriya, ay mga semi-akwatikong (o sa isang kaso, akwatikong) mga mamalyang kumakain ng isda. Kabahaging binubuo ng ranggo o hanay na Lutrinae ang pamilyang Mustelidae, na kinasasamahan din ng mga wisel, mga haliging-pusa, mga badyer, at iba pa. Mayroon itong labingtatlong mga uri sa loob ng pitong mga sari, kaya't halos nakakalat sa buong mundo. Pangunahing nilang nakakain ang mga hayop na pangtubig, karamihan ang isda at mga suso (sigay o mga hayop na may kabibe, mga susong dagat), ngunit kumakain din ng iba pang mga inbertebrado, mga amphibian, mga ibon, at mga maliliit na mga mamalya.

Hinago ang salitang oter (otter ng Ingles) mula sa Matandang Ingles (Lumang Ingles) na otor o oter. Ito ang iba pang mga salitang iisa ang ugat o pinag-ugatan ay sukdulang nagsanga mula sa salitang-ugat na pinagmulan din ng salitang Ingles na water na nangangahulugang tubig.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "otter". Merriam Webster's online dictionary. Nakuha noong 16 Setyembre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Mamalya Ang lathalaing ito na tungkol sa Mamalya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.