Paaralan ng Atenas
Paaralan ng Atenas | |
---|---|
Alagad ng sining | Raphael |
Taon | 1509–1511 |
Tipo | Fresco |
Sukat | 500 cm × 770 cm (200 pul × 300 pul) |
Kinaroroonan | Palasyong Apostoliko, Lungsod ng Vaticano |
Ang Paaralan ng Atenas (Italyano: Scuola di Atene) ay isang fresco ni Raphael, isang pintor ng Renasimyentong Italyano. Pininturahan ito mula 1509 hanggang 1511 bilang bahagi ng atas ni Papa Julio II upang palamutihan ang mga silid na tinatawag na ngayong sa Palasyong Apostoliko sa Lungsod ng Vaticano.
Naglalarawan ang fresco ng isang kongregasyon ng mga sinaunang pilosopo, matematiko, at siyentipiko, at sina Platon at Aristoteles ang itinampok sa gitna. Ang mga identidad ng karamihan ng mga pigura ay hindi matitiyak o makikilala lamang sa mga maliliit na detalye o mga alusyon;[1] kabilang sa mga karaniwang tinutukoy sina Sokrates, Pitagoras, Arkimedes, Heraklito, Averroes, at Zaratustra. Bukod pa rito, pinaniniwalaan na inilarawan sina Leonardo da Vinci at Michelangelo, mga Italyanong alagad-sining, sa pamamagitan nina Platon at Heraklito, ayon sa pagkakabanggit.[2][1] Naglagay si Raphael ng larawan ng sarili sa tabi ni Ptolomeo.
Tanyag ang pintura sa paggamit nito ng tumpak na proyeksiyon ng perspektibo, isang mahalagang katangian ng sining ng Renasimiyento, na natutunan ni Raphael kay Leonardo; gayundin, ang mga tema ng pintura, tulad ng muling pagsilang ng sinaunang pilosopiyang Griyego at kultura ng Europa na kinasihan ng mga personal na adhikain ni Leonardo sa dulaan, inhenyeriya, optika, heometriya, pisyolohiya, anatomiya, kasaysayan, arkitektura at sining.[3]
Itinuturing ang Paaralan ng Atenas bilang isa sa mga pinakakilalang gawa ni Raphael at inilarawan bilang kanyang "obra maestra at ang perpektong halimbawa ng klasikal na espiritu ng Renasimiyento".[4]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "The School of Athens: A detail hidden in a masterpiece" [Paaralan ng Atenas: Isang detalyeng nakatago sa obra maestra]. www.bbc.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 9 Pebrero 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Larsen, Frode (29 Hulyo 2021). "Leonardo da Vinci in Raphael's School of Athens" [Leonardo da Vinci sa Paaralan ng Atenas ni Raphael]. Journal of Humanistic Mathematics (sa wikang Ingles). 11 (2): 196–243. doi:10.5642/jhummath.202102.09. ISSN 2159-8118.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Georg Rainer Hofmann (1990). "Who invented ray tracing?" [Sino ang nag-imbento sa ray tracing?]. The Visual Computer (sa wikang Ingles). 6 (3): 120–124. doi:10.1007/BF01911003. S2CID 26348610.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ History of Art: The Western Tradition [Kasaysayan ng Sining: Ang Kanluraning Tradisyon] ni Horst Woldemar Janson (sa wikang Ingles), Anthony F. Janson (2004).