Pumunta sa nilalaman

Padron:Napiling Larawan/Pulang soro

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang pulang soro (Vulpes vulpes) ay ang pinakamalaki sa mga tunay na soro at isa sa pinakamalawak na laganap na kasapi ng orden na Carnivora, na makikita sa buong Hilagang Emisperyo kabilang ang karamihan ng Hilagang Amerika, Europa at Asya, dagdag pa ang ilang bahagi ng Hilagang Aprika. Nakatala ito sa IUCN bilang least concern o pinakamaliit ang pag-aalala. Tumaas ang naabot nito kasama ng paglago ng tao. Nang ipinakilala ito sa Australya, tinuri itong nakakasama sa mga katutubong mamalya at mga populasyon ng ibon. Dahil sa presensya nito sa Australya, naitala ito sa "100 pinakamalalang espesyang sumasakop."

May-akda ng larawan: Uoaei1