Pumunta sa nilalaman

Padron:Portal:Anime at Manga/Selected series/3

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bleach (ブリーチ, Burīchi Sa Japan) ay isang manga at anime ni Kubo Taito, mangaka ng Zombie Powder. Ito ay sini-"serialize" sa Japan sa Weekly Shonen Jump.

Sinusundan ng Bleach ang buhay nina Ichigo Kurosaki, isang estudyante sa haiskul na 15-taong gulang at may kakayahang makakita ng mga multo, at isang shinigami (Taga-Ani ng Kaluluwa o, sa literal na salin, "Diyos ng Kamatayan") na nagngangalang Rukia Kuchiki, na nakilala si Ichigo nang minsa'y naghahanap siya nang hollow (isang maligno). Habang nakikipag-laban sa maligno, nasugatan si Rukia nang pinrotektahan niya sa Ichigo, at napilitang bigyan si Ichigo ng kapangyarihan. At doon nagsimula ang paglalakbay nina Ichigo at Rukia, kung saan naghahanap sila ng mga hollow at nagpapadala ng mga aswang papuntang Soul Society. Ang unang mga bahagi ng istorya ay naka-sentro sa mga tauhan at ang kanilang kasaysayan, at hindi sa hanapbuhay mismo ng shinigami. Habang tumatagal, ag istorya ay dumayo naman sa daigdig ng mga "Diyos ng Kamatayan" sa "kabilang dako" na tinatawag na Lipunang Kaluluwa (Soul Society).