Padron:Portal:Anime at Manga/Selected series/9
Ang Doraemon (ドラえもん) ay isang seryeng manga na nilikha ni Fujiko F. Fujio (ang pen name ni Hiroshi Fujimoto, na kinalaunan ay naging seryeng anime. Ang serye ay tungkol sa isang pusang robot na nagngangalang Doraemon, na naglakbay pabalik sa panahon mula sa ika-22 dantaon upang tulungan ang isang batang mag-aaral, si Nobita Nobi.
Si Doraemon ay isinama bilang icon pangkultura ng Hapon at noong Abril 22, ay nahalal bilang sa sa mga 22 Bayani ng Asya ng magasin na Time Asia.. Karamihan sa mga kabanata ng Doraemon ay komedya na may mga aral ng tamang asal, tulad ng katapatan, , katapangan, atbp. May iilang din mga kabanata na nagpapalabas ng mga isyung may kinalaman sa kalikasan, tulad ng mga hayop na walang tirahan, mga nangaganib na maubos na species, pagkaubos ng mga kakahuyan, at polusyon. Ang mga paksa tulad ng mga dinosaur, ang teorya ng patag and daigdig, at Kasaysayan ng Hapon ay nakapaloob din.
Ang serye ay unang lumabas noong Disyembre 1969, nang ito ay nailimbag ng sabay-sabay sa anim na magkakaibang magasin. Tuos nito, may 1,344 na kwento ang nabuo sa orihinal na serye, na nilimbag ng Shogakukan sa ilalim uring manga na Tentōmushi (てんとう虫) na umaaabot sa 45 na bolyum. Ang mga bolyum (volume) ay naipon sa Pang-Sentral na Aklatan ng Takaoka sa Toyama, Hapon, kung saan isinilang si Fujio.
Nanalo ang Doraemong ng unang Shogakukan Manga Award para sa pambatang manga noong 1982 at ng unang Osamu Tezuka Culture Award noong 1997..