Pumunta sa nilalaman

Padron:Portal:Kasaysayan/Tao/2

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Si Albert Einstein

Si Albert Einstein (14 Marso 1879–18 Abril 1955) ay isang Alemang-Swiss-Amerikanong pisikong teoretikal na kinikilala bilang isa sa pinakamahalagang siyentipiko sa ika-dalawampung siglo at isa sa pinakamahusay na physicist na nabuhay sa kasaysayan ng agham. Ang pinakamahalagang papel na kanyang ginampanan ay ang pagbuo ng "special at general theory of relativity". Sa karagdagan, marami siyang naiambag sa teoryang quantum at mekanikang estatistikal. Siya ay naparangalan ng Premyong Nobel sa kanyang paliwanag sa epektong photoelectric noong 1905.

Si Einstein ay nakilala sa buong mundo matapos na mapatunayan ang prediksiyon ng kanyang teoryang general relativity na ang light rays ng malalayong bituin ay malilihis ng gravity ng araw. Ito ay napatunayan noong 7 Nobyembre 1919 sa ekspedisyon na ginawa ng mga inglaterong siyentipiko upang pagmasdan ang Solar Eclipse na naganap nang taong iyon sa Aprika.