Pumunta sa nilalaman

Padron:UnangPahinaArtikulo/Aklat

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga aklat.
Mga aklat.

Aklát o libró ang tawag sa katipunan ng mga nilimbag na akda. Pisikal na bagay ang tipikal na itinuturing na mga aklat; gayunpaman, maaari rin itong tumukoy sa isang bahagi ng mas mahabang komposisyon, tulad ng kaso ng mga aklat sa Bibliya. Ang digital na katumbas ng mga aklat ay tinatawag naman na mga ebook, samantalang audiobook naman ang tawag sa mga aklat na nasa anyong tunog.

Dahon ang tawag sa mga indibidwal na papel ng isang aklat, samantalang pahina naman ang tawag sa bawat harap at likod nito. Lomo naman ang tawag sa likurang bahagi o pinakatadyang ng isang aklat na hindi pa nabibigkis. Ayon sa isang dokumento ng UNESCO noong 1964, maituturing na isang aklat ang isang limbag kung ito ay may 49 na pahina (25 dahon) o higit pa. Tinatayang nasa 130 milyong aklat ang nailathala hanggang noong 2010, ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Google.