Padron:UnangPahinaArtikulo/Charles Darwin
Si Charles Robert Darwin (12 Pebrero 1809–19 Abril 1882) ay isang naturalista Briton na nagkamit pangmatagalang kasikatan bilang tagapagsimula ng teoriya ng ebolusyon nang mga hayop sa pamamagitan ng likas na pagpili (natural selection). Ipinanganak siya sa Shrewsbury, Shropshire, Inglatera (England).
Nagkaroon siya ng interes sa likas na kasaysayan habang nag-aaral ng medisina noong una, pagkatapos teolohiya, sa isang pamantasan sa Inglatera. Nagbigay sa kaniya ng katanyagan bilang isang heolohista at bilang isang sikat na may-akda pagkatapos ng limang taon paglalayag sa Beagle. Ang kaniyang mga pagmamasid sa biyolohiya ang nagdala sa kaniya upang pag-aralan ang transmutasyon ng mga specie at maisulong ang kaniyang teoriya ng likas na pagpili noon 1838. Lubos na nalalaman niya na magkaroon ng reaksiyon ang teoriya niya, ipinagkatiwala niya lamang ito sa mga malalapit na kaibigan at sinaliksik ang inaasahang mga pagsalungat, ngunit noong 1858, ang impormasyon ni Alfred Russel Wallace na may teoriyang din katulad nito ang napilitang magkaroon ng naunang pagsasama sa pagpapalimbag ng teoriya ni Darwin. Ang libro na sinulat niya ay ang The Origin of the Species.