Pumunta sa nilalaman

Padron:UnangPahinaArtikulo/Indiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Republika ng Indiya o Republika ng India (internasyonal: Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya. Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo. Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina, Pakistan, Bhutan, Myanmar, Nepal, at Bangladesh. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras). Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga, Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83km/ 5124695.29747milya. Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Sa kasalukuyan, ang pangulo ng Indiya ay si Pratibha Patil, na unang nagsilbi noong 25 Hulyo 2007. Siya ang unang babae na naging pangulo ng Indiya. Ang tirahan o palasyo ng pangulo ay ang Rasthrapati Bhavan. Ang Indiya ay itinuturing na Pinakamalaking Demokrasya sa Daigdig dahil may sistemang parliyamentarya-demokrasya ang gobyerno nito at ang populasyon nito ay tinatayang may 1,147,995,904 na katao (2008), ang ikalawang bansa na may pinakamaraming tao. Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay Mumbai (dating Bombay), New Delhi, Kolkata (dating Calcutta), at Chennai (dating Madras). Isinilang sia Indiya ang pananampalatayang Hinduismo.