Padron:UnangPahinaArtikulo/Kabayo-kabayohan
Itsura
Ang kabayo-kabayohan ay isang uri ng isdang kamukha ng kabayong panlupa. Kabilang ito sa sari ng mga Hippocampus na kasama sa mga pamilya ng mga Syngnathidae, na kinabibilangan din ng mga isdang-tubo at mga madahong dragong-dagat. Matatagpuan ang mga kabayo-kabayohan sa mga tropikal at subtropikal na mga dalampasigan at mga anyon ng tubig na mabato at mabuhangin sa kabuuan ng mga karagatan ng Pasipiko, Atlantiko at Indiya.