Pumunta sa nilalaman

Padron:UnangPahinaArtikulo/Thalía

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Ariadna Thalía Sodi Miranda Mottola, higit na kilala bilang Thalía lamang, ay isang mang-aawit at aktres mula sa Mehikong nagantimpalaan ng Latin Grammy. Isa siya sa mga kilalang aktres sa telebisyon, at nakapagbenta ng halos 20 milyong album sa buong mundo. Nang namatay ang kanyang ama sa sakit na diabetis, nang siya ay limang taon pa lamang, si Thalía ay hindi man lamang nakapagnigkas ng kahit isang salita nang isang taon. Nag-alala ang kanyang pamilya sa kanyang katayuan, na naging dahilan sa pagpapatingin sa kanya sa isang sikologo. Idolo niya si Nadia Comaneci, isang sikat na himnasta. Kaya si Thalía ay nag-ambisyong maging isang gymnast. Maraming nakakapagsabing mayroong alitan sina Thalía at Paulina Rubio, ang dating kasamahan ni Thalía noong sila ay miyembro pa ng grupong Timbiriche. Nagsimula ang kwentong ito nang ang dalawa ay, hindi umano, nag-away bago magsimula ang isang pagtatanghal, ito raw ay dahil masyadong maganda raw si Thalía kaysa kay Paulinang nagdulot naman ng pagkainggit niya kay Thalía. Nagtambal sina Thalía at Eduardo Capetillo, isang dating miyembro ng Timbiriche, sa telenobelang Marimar. Habang namatay naman ang kanyang nobyong dapat papakasalan niya nang si Alfredo Díaz Ordaz, ang gumawa ng una niyang dalawang album, noong Disyembre 16, 1993. Ito ang naging dahilan sa paghiwalay ni Thalía sa Timbiriche, at pagiging malayo sa balitang ito noong panahon ng Marimar.