Pumunta sa nilalaman

Pag-endorso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Sa promosyon at pagpapatalastas, ang isang testimonyal o pag-endorso ay binubuo ng isang sinulat o sinabing pahayag ng isang tao na pinupuri ang kabutihan ng isang produkto. Karaniwang tumutukoy ang "testimonyal" sa mga pag-presenta ng benta (o sales pitch) ng mga ordinaryong mamamayan habang ang salitang "pag-endorso" ay kadalasang naiuugnay sa mga kilalang tao (o celebrity) tulad ng artista o modelo.