Pumunta sa nilalaman

Pag-ikot ng asidong sitriko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pag-ikot ng asido sitriko)

Ang pag-ikot ng asido sitriko (na tinatawag ding gulong asido tricarboksiliko, ang TCA cycle, o gulong Krebs, citric acid cycle) ay isang serye ng pagsasanib kimika ng may napakahalagang papel sa lahat ng selulang may buhay na gumagamit ng oksihena bilang bahagi ng respirasyong selular. Sa mga organismong aerobiko, ang gulong ng asido sitriko ay bahagi ng landasing metaboliko na kasangkot sa kimikang paggawa ng tubig at carbon dioxide mula carbohydrates, lipidos at protina, at makagawa ng isang porma ng materyang magagamit na lakas. Ito ang ikalawa sa tatlong landasing metaboliko sa loob ng katabolismong molekula panglakas at sa paggawa ng ATP. Ang ibang pang landasin ay ang glikolisis at posporilasyong oksidatibo (oxidative phosphorylation).

Ang pag-ikot ng asido sitriko ay nagdudulot rin ng simuno sa maraming mga kompuwesto tulad ng mga asido amino at ang ilang pagsasanib nito ay mahalaga rin sa mga selulang gumaganap sa pangangasim (permentasyon).

[baguhin | baguhin ang wikitext]