Pumunta sa nilalaman

Pagbomba sa Heneral Santos ng 2002

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pagbomba sa Heneral Santos ng 2002
Ang City Hall ng Gensan kung saan malapit ang pinangyarihan ng pagsabog
LokasyonFitMart. Abenida Sergio Osmeña, Timog Dadiangas, Heneral Santos, Pilipinas
Petsa21 Abril 2002
5:30 ng hapon (PST)
TargetSibilyan
Uri ng paglusobPambobomba
SandataKagamitang pampasabog na ginawa-kaagad
Namatay13
Nasugatan60
Hinihinalang salarin2 lalaking extrimist o naniniwala sa pagkalabis

Ang pagbomba sa Heneral Santos ng 2002 o 2002 General Santos bombing, ay naganap noong 21 Abril 2002, 5:30 ng hapon sa isang almasen o department store na Fit Mart sa Dadiangas South, Lungsod ng Heneral Santos na umabot sa 13 ang patay at umabot sa 60 na sugatan.[1][2] . Dalawang bomba pa ang natagpuan sa nasabing lugar, at itinawag ito sa istasyon ng radyo at rumesponde agad ang mga pulisya, mayroon ring natagpuang bomba sa isang himpilan ng bus sa lungsod.[3][4] Ang serye na pagsabog ay hindi bababa sa 60 ang sugatan.

Nakatangap ang mga pulis ng tawag sa di-kilalang tao, na sinasabing 18 pa na bomba ang nakatanim, sa palibot ng lungsod na may maraming Kristiyano sa kabuuan 800,000 na katao ng lungsod, salungat sa mayoryang Muslim sa timog ng Pilipinas.[5][6] Noong unang bahagi ng taon, ang tinatawag na Indigenous People's Federal Army (Katutubong Pederal na Hukbo ng Tao) ay nagtanim ng higit sa isang dosenang pekeng bomba sa lugar at sinabing gagamit sila ng totoong bomba kung hindi maibibigay ang kanilang mga hiling.

Natiklo nang mga kapulisan ang dalawang hinihinalang lalaki na miyembro ng extrimist o naniniwala sa pagkalabis na grupo na Muslim, base sa deskripsyon ng mga sangkot, na mayroon nakakita sa isang lugar na mayroong nagtanim nang bomba sa tapat mismo nang Fit Mart sa Abenida Sergio Osmeña.[7] Abu Sayyaf ang nag-ako ng responsibilidad sa nangyari.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Jubelag, John Paul (22 Abril 2002). "13 killed in GenSan blasts | Philstar.com". philstar.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2018-09-11.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/471742/raps-filed-vs-suspects-in-2002-gensan-mall-bombing/story
  3. https://www.philstar.com/headlines/2002/04/22/158102/13-killed-gensan-blasts
  4. https://news.abs-cbn.com/nation/regions/04/17/15/nbi-files-charges-vs-abu-bandits-gensan-bombing
  5. https://www.hrw.org/reports/2007/philippines0707/background/2.htm
  6. https://www.cbsnews.com/news/bomb-spree-in-philippines
  7. "Two arrests after Philippine bomb blast". CNN (sa wikang Ingles). 21 Abril 2002. Nakuha noong 21 Abril 2002.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)