Pumunta sa nilalaman

Pagkakaibigan sa salungat na kasarian

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang pagkakaibigan sa salungat na kasarian ay isang platonikong pakikipag-ugnayan sa pagitan ng dalawang taong walang relasyon. May maraming uri ng pagkakaibigan sa salungat na kasarian, nabibigyan kahulugan ang lahat ng kung ang bawat partido ay mayroon o walang romantikong atraksyon sa bawat sa isa, o nauunawaan na may interes ang isa. May ilang teorya ang nalikha upang ipaliwanag ang pagkakaroon ng ganoong pagkakaibigan. May mga pananaliksik ang nagawa kung bakit nagsisimula ang mga kalalakihan at kababaihan ng mga ganoong pakikipagrelasyon, paano sila nakikita ng iba, ang mga implikasyon sa mga bata ng pagkakaibigan sa salungat ng kasarian, bukod sa iba pa. Nakakalikha din ng mga suliranin ang pagkakaibigan sa salungat na kasarian para doon sa mga nasangkot kung alinman o pareho sa kanila ang nagkaroon ng kahit anumang romantikong nararamdaman para sa isa't isa.

May malaking ginagampanan ang pagkakaibigan sa salungat na kasarian sa mga ugnayang panlipunan ng parehong kalalakihan at kababaihan. Maaring magkaroon ng mga komplikasyon dahil sa potensyal na romansa o interaksyong sekswal.[1] Binibigyan ni Monsour (2002) ang isang pagkakaibigan sa salungat na kasarian bilang isang "boluntaryo, di-pampamilya, di-romantiko, pakikipagrelasyon sa pagitan ng isang babae at isang lalaki kung saan minamarkahan ng parehong indibiduwal ang kanilang asosasyon bilang isang pagkakaibigan."[2] Bagaman, hindi maaring ipalagay na walang romantiko o sekswal na tagong palatandaan dahil lamang namarkahan ang relasyon bilang hindi romantiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Laura K. Guerrero (1 Nobyembre 2005). "Relational maintenance in cross-sex friendships characterized by different types of romantic intent: An exploratory study". Western Journal of Communication (sa wikang Ingles). 69 (4): 339–358. CiteSeerX 10.1.1.557.6404. doi:10.1080/10570310500305471.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bookwala Jamila (2002). "Book Review: Women and Men as Friends: Relationships Across the Life Span in the 21st Century. Michael Monsour, Mahwah, NJ, Erlbaum (Series on Personal Relationships); 2002. 277 pp. ISBN 0-8058-3567-9. $27.50 (softcover)". Sex Roles (sa wikang Ingles). 47 (5/6): 295–296. doi:10.1023/A:1021394929086.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)