Pumunta sa nilalaman

Kilala

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagkakakilanlan)

Ang kilala, makilala o kilalanin ay may ibig sabihing alamin, malaman, mapag-alaman kung sino ang isang tao. May kaugnayan din ito sa talusin (kognisyon), matalos, mabatid, mapagtanto, mapantasan, matarok, mawatasan, matalastasan, matatap, madalumat, o kaya madama kung sino o ano talaga ang isang tao o katauhan nito. Maaari rin itong "pagtanggap sa isang bagay bilang katotohanan" o "maging marunong sa pag-gawa ng isang bagay." Kaugnay din ito ng pariralang "makita ang pagkakaiba" ng dalawang bagay, halimbawa ang alin ang mabuti o masama. Kasingkahulugan din ito ng maging pamilyar, o magkaroon ng kamalayan.[1] May kinalaman din ang salitang kilala sa pagiging isang tao na tangi, magiting, bantog, tanyag (sa bayan) o kinakatigan (ng bayan), o kaya isang taong pinagkakatiwalaan.[2] Sa Bibliya, may pakahulugan ang nakilala, ayon sa pagsasalinwika, bilang "sumiping".[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Know - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Kilala". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Nakilala, sumiping". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 15.

Komunikasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Komunikasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.