Pagkiling sa kompirmasyon
Ang pagkiling/bias sa kompirmasyon' (confirmation bias) ay kagawian ng mga tao na pumabor o pumili ng impormasyon na kumukumpirma o nagpapatunay ng kanilang mga paniniwala o pananaw. Ang mga tao ay nagpapakita ng pagkiling na ito kapag nagtitipon sila o umaalala ng impormasyon na pinipili o kapag kanilang pinapakahulugan ito sa isang paraang kumikiling sa kanilang paniniwala. Ang epektong ito ay mas malakas para sa mga punong puno ng emosyon na mga isyu at sa malalim na mga paniniwala. Kanila ring pinapakahulugan ang mga hindi malinaw na ebidensiya bilang sumusuporta sa kanilang paniniwala. Ang may pagkiling na paghahanap, interpretasyon at memorya ay hinimok upang ipaliwanag ang polarisasyon ng saloobin (kapag ang hindi pagkakasundo ay nagiging mas sukdulan kahit ang mga magkaibang partido ay nalantad sa parehong ebidensiya), patuloy na paniniwala sa kanilang paniniwala (kapag patuloy ang paniniwala kapag ang ebidensiya sa kanilang paniniwala ay naipakitang hindi totoo o mali), ang hindi makatwirang epektong nangunguna (ang mas malaking pag-asa sa impormasyong maagang naenkwentro sa serye) at mailusyong ugnayan (kapag maling natatanto ang ugnayan sa pagitan ng dalawang pangyayari o sitwasyon). Ang sunod sunod na mga eksperimento noong mga 1960 ay nagmumungkahi na ang mga tao ay may pagkiling tungo sa pagkukumpirma ng kanilang mga umiiral na paniniwala. Ang mga paliwanag para sa mga napagmasdang pagkiling sa kompirmasyon ay kinabibilangan ng wishful thinking, at limitadong kakayahan ng tao na magproseso ng impormasyon. Ang isa pang paliwanag ay ang mga tao ay nagpapakita ng pagkiling sa kompirmasyon dahil kanilang tinitimbang ang mga gastos sa pagiging mali sa halip na mag-imbestiga sa neutral at pamamaraang siyentipiko. Ang pagkiling sa kompirmasyon ay nag-aambag sa labis na pagtitiwala sa mga pansariling paniniwala at maaaring magpanatili o magpalakas ng mga paniniwala kapag ito ay sinasalungat ng ebidensiya. Ang mga hindi maayos na desisyon dahil sa pagkiling na ito ay natagpuan sa mga kontekstong pampolitika at pangorganisasyon.