Paglalabra
Sa pag-aanluwagi, ang paglalabra ay ang proseso ng pagbabago ng isang kalap mula sa kanyang bilugang likas na anyo para maging kahoy (troso) na may mga humigit-kumulang na patag na ibabaw na ipinanggagamit ang isang palakol. Sinaunang pamamaraan ito, at bago ang pagdating ng lagarian ng panahong industriyal, naging karniwang paraan ito ng pagpaparisukat ng mga bigang yari sa kahoy para sa pagkuwadradong troso. Ngayon ginagamit pa rin ito paminsan-minsan para sa layuning iyon ng sinumang may mga kalap, nangangailangan ng mga biga, at hindi kayang o ayaw magbayad para sa tablang tapos na. Sa gayon, ang mga homesteader na may matipid na badyet, halimbawa, ay maaaring maglabra ng kanilang sariling kahoy kaysa sa bilhin ito.
Kahulugan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang labra ay isang pangkalahatang salita na nangangahulugang palakulin o sibakin gamit ang palakol o tabak; upang tumaga o lumaslas, at ginagamit sa digma, paghihiwa ng bato at kahoy, at pagmimina ng karbon at asin sa kahulugang ito.[1][2] Ang paglalabra ng kahoy ay ang paghuhugis ng kahoy gamit ng isang instrumentong matalim tulad ng palakol,[3] partikular na pagyuyupi sa isa o higit pang mga panig ng isang troso.
Paraan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang sinaunang pamamaraan ng pagbabago ng kahoy, nalikha ang iba't ibang mga pamamaraan ng bawat hakbang sa paglalabra sa kasaysayan.
Paghahanda ng kalap
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkapili at pagkabagsak sa isang puno, maaaring paglalabrahan kung saan nahulog ang kalap o pasagadsarin o kaladkarin ang kalap (pinapasagadsad sa kabayo o baka) mula sa kakahuyan patungo sa pinagtatrabahuan. Pahalang na ipinapatong ang kalap sa ibabaw ng dalawang mas maliit na kalap na malapit sa lupa o sa mga kabalyeteng may taas ng bewang; pinapatatag sa pamamagitan ng pagkukutab ng mga sumusuportang kalap, o paggamit ng timber dog (tinawag din na log dog,[4] isang mahabang baras-bakal na may ngipin sa alinman sa dulo na tumatapon sa mga log at pinipigilan ang paggalaw). Sinusukat at tinatagpuan ng manlalabra ang troso sa loob ng kalap sa magkabilang dulo at minamarkahan ng mga linya habang-daan sa haba ng isang kalap, karaniwan gamit ng pitik.
Pag-iiskor
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang susunod na hakbang ay ang pagsibak ng mga bingaw sa bawat talampakan o dalawa, halos kasinglalim ng linyang ginitgit ng isang palakol na pamputol o pang-iiskor, na tinatawag na pag-iiskor. Hindi bababa sa tatlong mga pamamaraan ang ginagamit sa pag-iiskor. 1) Pagtatayo sa ibabaw ng log at pagpapalakol upang masibak ang iskor; 2) Sa Alemanya isang pamamaraan kung saan nakatayo ang dalawang karpintero sa lupa at nakakabalyete ang kalap at nagpapalakol pababa upang masibak ang mga iskor. (tingnan ang bideo sa kawing sa ibaba); 3) Ipinambabaka ng kalap ang isang lagaring abut-abot, pagkatapos ipinanghahati ang isang palakol pantumba ng mga seksyong nabuo ng pagbabaka.
Bahagyang pag-alog
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinatanggal ang mga piraso ng kahoy sa gitna ng mga bingaw gamit ng palakol, at itong proseso ay tinatawag na bahagyang pag-alog o juggling[5][6] o joggling sa wikang Ingles.[7] Nagreresulta ito sa isang magaspang na kalatagan na tinatabtab hanggang sa minarkahang linya. Nagtatanggal ang pag-iiskor at bahagyang pag-alog ng maraming kahoy, pinapadali ang paglalabra, at iiniwasan na ang mahabang pag-urong ng kahoy na napunit.
Paglalabra
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang paglalabra ay ang huling hakbang sa buong prosesong ito, na kolektibong tinutukoy rin bilang paglalabra. Nilalabra ang mga gilid ng kalap ng isang broadaxe. Nagsisimula ang paglalabras mula sa ilalim ng tangkay paitaas patungo sa dating tuktok ng nakatayo na puno na binabawasan ang pagkakataon na pumasok ang mga sirang hibla patungo sa magiging barakilan.[8]
Nailathala nang nailathala na ginamit ang isang daras upang ilabra ang tuktok ng kalagatan ng isang kalap na patag tulad ng paggamit ng palakol sa mga gilid ng isang kalap. Gayunpaman, ayon sa mga katibayang pisikal sa pagtingin sa mga markang naiwan ng mga panlabra sa mga makasaysayang gusali na tinatawag na trakolohiya, naugoy ang mga ito sa isang arko at sa gayon ay gawa ng isang palakol, hindi isang daras. Madalas na gumamit ang mga tagagawa ng barko ng mga daras sa paghuhubog ng mga kahoy ng barko, nakadepende ang pipiliing panlabra sa posisyon ng kalagatang paglalabrahan. Pinakamainam na gamitin ang palakol sa paglalabra ng gilid, at pinakamainam na gamitin ang mukha sa paglalabra ng daras. Nagpapakita ang mga makasaysayang guhit na ipinanlalabra ng kahoy ang daras ng ilang mga Asyanong karpintero. Pagkatapos, maaaring pakinisin pa ito gamit ng katam, drawknife, yariganna (isang sinaunang pamputol ng mga Hapones) o anumang iba pang itinatag o improbisadong paraan.
Ang ilang mga bahay na kahoy sa Estados Unidos mula noong ika-19 na siglo ay may mga mahabang nilabrang kahoy na may magkatulad na pagkuwadro sa patayo na nalagari at sa kinamamayaang teknolohiya ng mga pabilog na nalagaring troso. Ang dahilan para rito ay mas madaling ipanlabra ng mahabang troso ang palakol kaysa dalhin sa isang lagarian dahil sa mga pangit na rutang pantransportasyon.
Kilala ang mga nilabrang trabyesang pantren bilang axe ties na niyari ng isang tiehacker.[9]
Modernong paggamit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman ginagamit pa rin sa nitsong modernong pagtatayo, karaniwang nire-resiklo ngayon ang mga nasagip na baras na labrang-kamay bilang mga detalyeng arkitektural na sikat sa bagong konstruksyon at pagkukumpuni ng mga tahanan. Sikat din ang mga ito bilang palamuti sa mga komersyal na lugar at restawran.[10]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Hew v." def. 2. Oxford English Dictionary, 2nd ed. 2009.
- ↑ Wright, Joseph. "Hew" The English dialect dictionary, being the complete vocabulary of all dialect words still in use, or known to have been in use during the last two hundred years;. London etc.: H. Frowde;, 18981905. Print.
- ↑ "Hew | Definition of hew by Merriam-Webster". Merriam-webster.com. Nakuha noong 2015-10-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Kauffman, Henry J.. American axes: a survey of their development and their makers. Morgantown, PA: Masthof Press, 2007.
- ↑ McRaven, Charles. The classic hewn-log house: a step-by-step guide to building and restoration. North Adams, MA: Storey Pub., 2005.
- ↑ Dialect Notes: The American Dialect Society. Vol. 2. 1900. 237. https://books.google.com/books?id=iEMOAAAAYAAJ
- ↑ McGrail, Seán. Woodworking techniques before A.D. 1500: papers presented to a symposium at Greenwich in September, 1980, together with edited discussion. B.A.R. 1982. 389. books.google.com/books?id=RJnfAAAAMAAJ
- ↑ "An Ax to Grind: A Practical Ax Manual, 9923-2823-MTDC, About the Author". Fhwa.dot.gov. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-10-23. Nakuha noong 2011-11-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Marples, Geoff. "The Tiehack", part 1.. British Columbia Forest History Newsletter. No. 60. August 2000. Victoria, B. C., Forest History Association of British Columbia. p. 1-4. print.
- ↑ "About Hand-Hewn Beams". Longleaf Lumber Inc. Nakuha noong 2014-01-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)