Pumunta sa nilalaman

Pagpapaunlad ng mga larong bidyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang game development ay ang proseso ng pagbuo ng mga video game, isang uri ng software na tumatakbo sa mga elektronikong kasangkapan tulad ng kompyuter at mga game console. Ilan sa mga popular na game console ngayon ay ang PlayStation Portable at Nintendo DS.

Mga Taong Bumubuo sa Development Team

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Game Designer

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming uri ng designer. Mayroong nagdidisenyo ng gameplay, ng mga lebel, atbp.

Visual Artist

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang visual artist ang gumagawa ng video game art.

Ang programmer ang gumagawa ng mismong software.

Ang manunulat gumagawa ng kuwento ng laro.

Proseso ng Development

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang Produksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang produksiyon ng laro ay ang pagplaplano ng konsepto ng laro, paglagay ng balangkas sa isang game design document, at paggawa ng prototype ng laro.

Sa yugtong ito ginagawa ang mismong paggawa sa software, paglikha ng game art at testing. Kinakailangang patuloy na makipag-ugnayan ang mga miyembro ng development team sa isa't isa.

Maraming lenguahe ng programming ang maaaring gamitin upang makagawa ng video game tulad ng C++, Java, ActionScript, atbp.

  • Kulay - ang mga kulay ay rinerepresenta ng mga numero; ang bawat pixel ay binubuo ng tatlong sangkap (pula, luntian at asul), at ang bawat sangkap ay katumbas ng isang numero at gumagamit ng isang byte ng memorya
  • Palette - mas kaunti ang mga kulay na nakalagay sa palette ng isang imahe, mas mababa ang nagagamit nitong memorya
  • Coordinates - lokasyon sa screen o display ng isang elektronikong kasangkapan kung saan inilalagay ang mga pixel; ang simula ng x-axis at y-axis sa nabanggit na screen o display ay ang kaliwang sulok nito sa ibabaw
  • Tiles - ang mga tiles ay maaaring gamitin upang makabuo ng isang game map
  • Sprites - imaheng 2D na isinasama sa isang game scene na maaaring lagyan ng animation
  • Voxels - ang voxel, o volumetric pixel, ay isang 3D na pixel
  • Particles - ginagamit ang particles upang makagawa ng iba't ibang visual effects tulad ng usok, hamog, apoy, pagsabog, ulan, niyebe, atbp.
  • Liwanag o Lighting
  • Anino
  • Texturing

Upang maging makatotohanan ang isang video game, kinakailangan ang simulation ng gravity, pwersa, pagtalbog, pagbanggaan ng dalawang bagay, atbp.

Artificial Intelligence (AI)
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga karakter ng laro na hindi kontrolado ng manlalaro ay nagtataglay ng artificial intelligence (AI) upang makagawa ito ng desisyon kung ano ang dapat gawin o saan dapat pumunta.

Musika at Iba Pang Tunog
[baguhin | baguhin ang wikitext]

Linalagyan ng musika, tinig ng pananalita ng mga karakter sa laro, at sound effects ang laro upang mas lalong maakit ang mga manlalaro.

Ang ilang larong mahigit isa ang manlalaro ay nangangailangan ng networking upang magtagpo at magkaroon ng interaksiyon ang mga manlalaro sa isa't isa.

Upang mas mapadali ang paggawa ng mga video game, maaaring gumamit ng mga game engine tulad ng Unity 3D at Torque.

Pagkatapos ng Produksiyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pagkatapos ng ng laro ay ang mass production, pagpapamahagi at pagbebenta ng video game.

Mga Alituntunin sa Pagdidisenyo ng Video Game

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mahalaga ang pagkokonsidera ng karanasang matatamo ng manlalaro sa pagdidisenyo ng isang video game. Ang isang video game ay nararapat na magkaloob ng aliw. Kailangan ay mayroong dapat abutin ang manlalaro upang siya'y mahamon. Maganda ring mayroong gameplay variety o pagkakaiba-iba ng mga stratehiya upang makamit ang layunin ng laro. Importante rin ang gameplay consistency at fairness.

Mga Elemento ng Isang Video Game

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Manlalaro - bilang ng mga manlalaro; mga papel na ginagampanan ng mga manlalaro; interaksiyon ng mga manlalaro sa isa't isa
  • Premises - mga sitwasyong kalalagyan ng manlalaro
  • Layunin - ang kinakailangang gawin at sikaping matamo ng manlalaro
  • Resources - mga paraan o kagamitan (tulad ng ginto, hiyas, susi, health potion, sandata at iba pang game items) upang marating o matamo ang layunin ng laro
  • Limitasyon - mga teknikal na limitasyon ng laro
  • Mga Patakaran - mga pwede at hindi pwedeng gawin ng manlalaro
  • Mga Kalaban at Balakid - mga kailangang harapin at talunin o lampasan ng manlalaro
  • Hantungan ng Laro - ang katapusan ng laro, kung mayroon man; kondisyon upang magwagi o matalo ang manlalaro

Pagdidisenyo ng Gameplay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagdidisenyo ng gameplay ay ang pagdidisenyo at pagbabalanse ng game mechanics.

Pagdidisenyo ng Game World

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinasaklaw ng pagdidisenyo ng mundong kinalalagyan ng laro o game world ang pagpapasiya ng tema ng laro at pagdidisenyo sa kapaligirang ginagalawan ng mga manlalaro.

Pagdidisenyo ng mga Lebel

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kasama sa konstruksiyon ng mga lebel ng laro ang pagdidisenyo sa mga katangian nito at pagtatalaga ng antas ng kahirapan nito.

Pagsusulat ng Laro

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pagsusulat ng laro ay tumutukoy sa paggawa ng mga dyalogo ng mga karater sa laro at ng mismong kuwento.

Mga Uri ng Karakter
[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bayani - ang bida sa kuwento; ang karakter na ginagampanan ng manlalaro
  • Kontrabida - ang pangunahing kalaban ng bayani at ang sanhi ng problema sa kuwento
  • Guro o Tagapayo - tumutulong sa bayaning hanapin ang tamang landas
  • Prinsesa o Dalagang kailangang iligtas
  • Shapeshifter - hindi malinaw ang kanyang mga hangarin at kung nakaninong panig siya
  • Trickster - naghahatid ng komedya
  • Tagapagbantay - tagapagbantay ng game world na nagbibigay ng pagsubok sa bayani
  • Kampon ng Kontrabida - mga kailangang harapin at talunin ng bayani bago makaharap ang Kontrabida

Ilang mga karaniwang naratibong ginagamit ay ang pagsupil sa halimaw, pagiging mahirap tungo sa pagiging mayaman, pakikipagsapalaran, paglalakbay at pagbalik, komedya, trahedya, at muling pagsilang o transpormasyon ng katauhan.