Pagpinta

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin

Ang Pagpipinta ay ang kasanayan ng pagpapahid ng pintura, pigmento, kulay o iba pang gamit pangguhit sa isang surface. Ang gamit pangguhit ay kadalasang inilalagay sa base gamit ang isang brush, ngunit ang iba pang kagamitan tulad ng mga kutsilyo, spongha at airbrushes, ay maaari ding gamitin.

Sa sining, parehas na inilalarawan ang salitang pagpinta (painting) ang paggawa at ang mismong gawa. Ang mga pagpinta (painting) ay maaring magkaroon ng suportang pang-ibabaw na katulad ng mga ding-ding, papel, kambas, kahoy, salamin, laka, luad, dahon, tanso, o kaya nama'y kongkreto, at maari ring gumamit ng marami pang ibang gamit pangguhit kasama na rito ang buhangin, luad, papel, plaster, gold leaf at pati na rin ang iba pang mga kagamitan.

Ang salitang pagpinta (painting) ay ginagamit rin sa hindi saklaw ng sining bilang pangkaraniwang gawain sa pagitan ng mga artisano at manggagawa.


Sining Ang lathalaing ito na tungkol sa Sining ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.