Pagsubo ng bayag
Ang pagsasagawa ng pagsubo ng bayag o pagpapasubo ng bayag ay isang gawaing pampagtatalik kung saan inilalagay ng isang lalaki ang kanyang bayag o supot ng bayag sa loob ng bibig ng isang kaparehang katalik o sa ibabaw ng mukha o ulo ng ibang tao. Sa salitang balbal o may kabastusang katawagan, tinagurian itong tea bagging (literal na "pagsusupot ng tsaa" sa Ingles) na may pakahulugang pagbababad ng supot ng tsaa, sapagkat may kaugnayan o kahawig ang gawain sa pagdadawdaw ng isang supot ng tsaa sa loob ng isang tasang may mainit na tubig, na parang nagkakanaw o nagtitimpla ng tsaa, at ginagawa ng may paglalabas-masok o pagtataas-baba na paulit-ulit. Sa gawaing pampagtatalik na ito, ang "supot ng tsaa" ay ang "supot ng bayag". Sa payak na pananalita, ito ang pagpapasok ng bayag sa bibig ng katalik o pagsubo sa bayag ng katalik. Bilang isang anyo ng pagtatalik na walang ipinapasok na titi (pagtatalik na walang penetrasyon), maaari itong gawin para sa pansariling kasiyahan o bilang isang romansa bago ang pagtatalik.
Pangungutyang panlipunan at pananakit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Hindi palaging naisasagawa ang pagsubo ng bayag ng may pagpayag, tulad ng paggawa nito bilang isang praktikal na biro,[1] na, sa ilang mga hurisdiksyon, ay tinuturing na sa legal na perspektibo bilang sekswal na pag-atake o sekwal na pambubugbog.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Baker, Paul (2004). Fantabulosa: The Dictionary of Polari and Gay Slang (sa wikang Ingles) (ika-reprint (na) edisyon). Continuum International Publishing Group. p. 201. ISBN 978-0-8264-7343-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Mark Winegardner (Nobyembre 14, 2012). "Last Time They Met". ESPN The Magazine (sa wikang Ingles).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)