Pumunta sa nilalaman

Kasukatan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pagsukat)

Ang kasukatan (Ingles: measurement, mensuration) ay isang mahalagang aspeto ng estadistika. Ang pagsusukat ay ginagamit upang malaman ang iba't-ibang halaga ng mga katangian ng mga bagay na nasasailalim sa pananaliksik. Ang mga halagang ito ang nagiging datos na sinusuri upang makagawa ng mga konklusyon.

Mayroong apat na antas ng pagsusukat. Mahalagang malaman ang apat na antas at kung ano ang mas nararapat na gamitin sa pagsusukat sa mga katangian ng bagay. Ang mga antas na ito rin ay ang makakatulong sa atin sa pagpili ng mga nararapat na pamamaraang estadistika na gagamitin sa pagsusuri.

Mga antas ng pagsusukat

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ginamit ang antas na ito upang ibukod ang mga tao o bagay sa iba-iba, eksklusibo at kumpletong mga kategorya. Ang mga kategorya nito ay dapat na hindi magkakapereho. Ang bawat bagay ay dapat nabibilang lamang sa nag-iisang kategorya at dapat ay lahat ng mga bagay ay may kaugnay na kategorya. Ito ang pinakamahinang antas ng pagsusukat dahil walang kahulugan ang mga halaga at ang diperensiya ng iba't-ibang numerong ginagamit para sa mga kategorya. Walang absolute zero ang antas ng panukat na ito. Mga bilang, parte at bahagdan lamang ang maaaring kwentahin para sa antas na ito. Ilang halimbawa ng mga baryable na may nominal na antas ng pagsusukat ay ang kasarian (1 para sa babae, 2 para sa lalaki) at katayuang sibil (1 para sa walang asawa, 2 para sa may asawa, 3 para sa hiwalay sa asawa, 4 para sa nabalo).

Ang ordinal na antas ay tulad sa nominal na antas. Ang natatanging pagkakaiba lamang nila ay ang likas na ayos ng pagkakasunud-sunod ng mga kategorya sa ordinal na antas. Ilang halimbawa ng mga baryable na may ordinal na antas ay ang laki (1 para sa maliit, 2 para sa midyum, 3 para sa malaki) at parangal (1 para sa unang gantimpala, 2 para sa ikalawang gantimpala, 3 para sa ikatlong gantimpala).

Sa antas na ito, mayroon nang kahulugan ang mga halaga ng mga numero at may permanente na itong puwesto sa isang sistemang nakaayos ayon sa halaga. May kahulugan na ang diperensiya ng iba't ibang kategorya. Wala pa rin itong absolutong sero. Ibig sabihin, ang sukat na sero ay hindi nangangahulugang walang ganitong katangian ang bagay na kinukuhanan ng sukat. Isang halimbawa ng katangiang nasusukat ng interbal na antas ay ang temperatura.

Ang ratio o rasyong antas ay tulad din sa interbal na antas ngunit ito ay mayroon nang absolutong sero. Ito ang pinakamataas na antas ng pagsukat sapagkat karamihan ng mga aritmetikong operasyon ay pwedeng gamitin sa mga baryable na may interbal na antas. Ilang halimbawa ng mga katangiang may interbal na antas ay ang bilis ng takbo ng isang sasakyan at bigat ng isang tao.

Matematika Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.