Pagpapatuyo ng pagkain
Ang pagpapatuyo ng pagkain ay isang paraan ng pagpepreserba ng pagkain kung saan pinapatuyo (sa pamamagitan ng pagtatanggal ng tubig o pagtatanggal ng kahalumigmigan) ang pagkain. Ang pagpapatuyo sa pamamagitan ng pagtanggal ng tubig ay nakatutulong sa pagpigil sa pagdami ng bakterya, lebadura, at amag. Ang pagtatanggal ng tubig sa pagkain ay malawakang ginagamit para sa layuning ito mula pa noong sinaunang panahon; ang pinakaunang kilalang kasaysayan ng paggamit ng prosesong ito ay naitala ng mga naninirahan sa modernong Gitnang Silangan at rehiyon ng Asya noong 12,000 B.C.[1] Ang tubig ay tradisyunal na inaalis gamit ang pagsingaw sa pamamagitan ng mga paraang gaya ng pagpapatuyo sa hangin, pagpapatuyo sa araw, pagpapausok, o pagpapatuyo sa hangin, ngunit sa panahon ngayon ay maaari nang gumamit ng mga electric food dehydrators o freeze-drying upang mapabilis ang proseso at matiyak na konsistent ang mga resulta.[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Historical Origins of Food Preservation". Naka-arkibo 2011-10-15 sa Wayback Machine. Accessed June 2011.
- ↑ Rahman, M. Shafiur, pat. (2007). Handbook of Food Preservation (sa wikang Ingles) (ika-2nd (na) edisyon). Boca Raton: CRC Press. ISBN 9781420017373.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)